TILA nabingi si Alex sa sobrang lakas ng t***k ng puso niya sa buong sandali na nakaharap sila ni Lucas sa altar. Parang nananaginip pa rin siya at nahihirapang maniwala sa magagandang nangyari sa kaniya sa mga nakalipas na araw. Hindi na niya gaanong namalayan ang mga naganap sa loob ng simbahan sa araw na iyon. Wala siyang ibang nakikita kundi ang napakaguwapong mukha ng kaniyang groom. At ang tanging naririnig lamang niya ay ang malakas na kalabog sa loob ng kaniyang dibdib. Nagulat na lamang siya nang marinig niya ang pari na magbigayan na sila ni Lucas ng kani-kanilang vow habang isinusuot ang singsing sa isa’t isa. Napakurap-kurap si Alex nang humarap siya sa kaniyang kasintahan at gayon din ito. Lalong lumakas ang tahip ng kaniyang dibdib nang hawakan nito ang kaniyang kaliwang k

