MATAPOS ang buong seremonya sa simbahan ay itinuloy nila sa reception ang masayang kuwentuhan at magdiwang ng kasiyahan para sa pag-iisang dibdib nina Alex at Lucas. Dahil bukod sa mga kaibigan at kamag-anak ay imbitado rin ang buong Hacienda Ramona kaya sa gymnasium na ng nasabing lugar ang naging reception nila. Gayon man ay naging magarbo pa rin ang simpleng gymnasium na iyon dahil sa mamahaling detalye. Umulan din ng mamahaling alak na pinagkaguluhan ng mga kalalakihan at ilang kababaihan. Nagulat pa si Alex nang malamang totoo rin ang sinabi ni Tito Kieran kanina na bumaha rin ng lechong baboy sa labas ng gymnasium. Sa sobrang haba ng buffet na inihanda, kahit imbitahin pa ang karatig-bayan ay siguradong sasapat ang mga pagkaing iyon. Biniro pa nga niya si Lucas na baka inubos na ni

