ANG akala ni Alex ay simpleng aksidente lang ang nangyari. Na may nagkarambulang mga sasakyan lang kaya sila nabunggo ng malaking truck. Mabuti na lang at matibay itong sasakyan nila kaya hindi walang nasaktan sa kanila ni Lucas at ang driver nang tumalsik sila sa poste. Nakaupo pa rin siya at nakayakap sa baywang niya ang isang braso ni Lucas. “Are you okay?” tanong nito sa kaniya matapos niya itong narinig na nagmura nang malutong nang mapatingin sa labas. “Hindi ka ba nauntog?” I-in-npeksiyon nito ang ulo niya. “O-okay lang ako. Ikaw?” “I’m fine. We’re safe here. For now.” Matapos nitong siguruhing maayos lang si Alex ay nilabas nito mula sa bag ang cellphone. Ang buong akala niya ay tatawag lang ito ng rescue o sa police station para i-report ang aksidente. Hindi kasi nila makita

