MASAKIT ang ulo ni Shalee ng masigising siya isang umaga. Hindi niya maalala kung paano siya nakauwi nang nagdaang gabi basta nanatili sa balintanaw ang tagisan ng inuman nilang dalawa ni Rina. Walang may nais magpatalo sa kanilang dalawa hanggang sa may umawat na kanila na hindi niya maalala kung sino. Inis na inis niya ginulo ang buhok niya saka marahang bumangon at tumungo sa banyo. Naglunoy siya sa malamig na buga ng tubig sa shower at nabawasan noon ang sakit ng ulo niya nang kaunti. Nagbabadbad siya doon ng ilang sandali bago niya naisipang, lumabas, magbihis at tumungo sa kusina para mag-almusal. Doon naabutan niya si Baste na naka-upo at abala sa ginagawa nito sa laptop na nasa harapan nito. Napaisip siya bigla kung nasa tamang unit ba siya o hindi. She checked the interiors and

