Tahimik ako habang nakasakay sa front seat katabi si Troy. Sinundo niya ako sa school dahil hindi ako masusundo ni Daddy at Ate Annika. Si Daddy late na makakauwi galing trabaho dahil sa overtime habang si Ate Annika naman ay pauwi pa lang galing ng Manila dahil sa conference meeting na kanyang dinaluhan. Ilang araw nanatili si Ate Annika sa Manila at ngayon lang siya uuwi. Akala ko nga wala siyang balak um-attend ng kasal ko sa makalawa kaya hindi pa siya umuuwi. Nalungkot ako nang malaman ito pero natuwa ako nang malaman kong pauwi na siya ngayon. Itinawag kasi ito ni Daddy sa akin dahil walang susundo sa akin. Plano ko na sanang mag-taxi or bus pero tinawagan naman ako ni Troy na on the way na ito at hintayin ko lang saglit. "Bakit ang tahimik mo, baby?" untag ni Troy nang mapansin ya

