Nakaupo ako sa may garden ng school sa bench na narito habang nagbabasa ako ng aking libro. May quiz ako mamayang hapon sa isang subject at need ko makakuha ng perfect score dahil medyo nangungulelat ako this past few days. Laging may isa o dalawa akong mali na dati naman ay hindi nangyayari. Naging malulungkutin ako the past weeks kaya alam kong may pagkukulang din ako kung bakit hindi perfect ang mga nakukuha ko. Lagi akong tulala at nag-iisip dahil sa biglang pagbabago ng buhay ko sa isang iglap. Ayos pa naman ang mga grades ko. Nangunguna pa rin ako sa klase ngunit hindi ako satisfied sa mga scores na nakukuha ko. Nasanay ako sa perfect scores kaya pakiramdam ko ang laki ng failure ko ngayong second semester. I sighed. Babawi ako this week, lahat ng quizzes ko sa lahat ng subject ay

