"Troy, hindi na ba mababago ang desisyon mo?" tanong sa akin ng Mommy ni Ynnah. Nakatayo kami sa gilid ng aking kotse rito sa may trunk habang isa-isang binaba ng driver ang mga maleta ng damit at gamit ni Ynnah. "Opo, M-Mommy…Sana po maintindihan ninyo ang desisyon ko. Mahirap din po ito sa akin dahil sa totoo lang ayaw ko rin mawalay sa mag-ina ko. Pero ayaw ko rin po na makita ako ni Ynnah na ganito ako. Na nagdadalamhati pa rin at sinisisi ang aking sarili sa lahat ng mga nangyari. Kaya po sana maintindihan ninyo ako, naisip ko na mas mabuting dito na lang po muna siya inyo para hindi niya ako nakikitang ganito. Mahina, duwag at parang wala ng pakialam sa kanya, babalikan ko rin naman po siya agad, Mommy. I…I just need time to heal my heart, to live like before. Sana po maintindihan d

