Hawak ko ang resulta ng ultrasound ng baby ko at sinisipat itong maigi habang hindi ako makapaniwala na kambal pala ang nasa loob ng aking tiyan. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang tummy ko kaya nagtataka ako kung paano silang nagkasya sa maliit kong sinapupunan. Sabi naman ng doktora na siyang nirekomenda ni Mommy sa akin na maging OB ko, talagang normal lang daw sa mga first time Mom ang ganito. Saka na lang daw biglang lolobo ang tiyan ko kapag nasa kabuwanan na ako. Hindi na tuloy ako makapaghintay na lumaki ang tiyan ko gaya ng sabi ni doktora. Anim na buwan na kasi ang tiyan ko pero mukha lang akong busog kaya nagtataka talaga ako kung paano nagkasya ang twins ko rito sa tiyan ko. Sabagay may kapayatan naman kasi ako, tapos mas lalong pumayat pa ako dahil sa stress ko kay…ay! Erase

