Na-late ako ng gising dahil sa pag-iisip sa endearment na binanggit sa akin ni Kuya Troy kagabi. I know he is not serious about it. Naisip ko ginamit lang niya ito upang aluin ako. Hanggang ngayon paulit-ulit pa rin na nagpi-play sa utak ko ang salitang baby na tinawag niya sa akin. Kahit na ayaw kong kiligin, ito naman ang nadarama ng puso ko hanggang ngayon. This is not healthy, I know hindi ako dapat makaramdam ng ganito sa kanya pero paano ko pipigilan ang kiligin at magkagusto sa kanya. Sabi ko sa sarili ko kagabi kakalimutan ko na siya, bakit siya na naman ang nasa isip ko paggising ko ng umaga? Hays….paano ba 'to? Ang hirap naman mag-move on sa kanya. Kailangan ko na talaga yatang humanap ng pwedeng pagbalingan ng nadarama ko para sa kanya para hindi ako mas lalong mahumaling sa