Hawak ko ang pisngi kong sinampal ni Ynnah habang tinitingnan ko siyang umiiyak. Iyak lang siya nang iyak habang nakayuko at panay ang hikbi. I wanted to comfort her but I couldn't move my body. Nahihiya ako dahil sinamantala ko ang pagkakataon para halikan siya. Kagabi ko pa ito gustong gawin sa kanya ngunit nagdadalawang-isip ako dahil ayokong mag-cheat sa girlfriend ko na kapatid niya. Pero natukso pa rin akong halikan si Ynnah ngayon, binalewala ko ang pangongonsensiya ng aking utak matikman ko lang ang mga labi niya. Tila baga ay may humihila sa aking pwersa para gawin ko 'to. Sinadya ko ang lahat kaya nagtagpo ang mga labi namin. Ang ganda ng timing ko dahil lapat na lapat ang mga labi namin. Akala ko pa naman hindi sasakto dahil hindi ko natantiya ang galaw ko. Ang sarap ng mga l