Hawak ko ang baso ng alak habang nakatitig ako sa kalaliman ng gabi. Hindi ko alam kung pang -ilang shot ko na 'to, pero ang alam ko nakakarami na ako dahil medyo blurry na ang tingin ko sa aking paligid at medyo nahihilo na ako. Hindi ko gustong uminom at lunurin sa alak ang aking sarili. Subalit ito lang ang tanging paraan na nakikita ko para makalimot saglit. Malimot ang guilt na narito sa puso ko dahil sa pagkamatay ni Annika at ng aming anak. Hindi ko matanggap na nagawa niya itong itago sa akin because of her selfish act. Yes, selfishness ang tingin ko sa ginawa niya kahit ginawa lang naman niya iyon para magkatuluyan kami ni Ynnah at maiwasan na masaktan kaming dalawa. She did the right thing na alam niyang iyon ang tama. Akala niya magiging masaya kami na malamang itinago niya a

