Naiwan akong umiiyak habang nakatingin sa pinto na nilabasan ni Troy. Yakap-yakap ko ang aking sarili habang dinadama ang sakit sa dibdib ko. Gusto kong humagulgol ng malakas dahil sa unang pagkakataon na gumawa ako ng move para magkausap kami at magkalapit ay nabigo ako. I used my body to get near him. Iniisip ko na sa pamamagitan ng love making ay magkaintindihan kami. Na babalik muli ang pagtingin niya sa akin. Nakakalungkot lang dahil gaya ng inaasahan ko, nabigo ako. Isang buwan ang tiniis ko, isang buwan na inintindi ko siya. Bakit sa isang iglap nagbago ang lahat sa aming dalawa? Pakiramdam ko biglang natunaw ang pagmamahal niya sa akin dahil sa pagkamatay ng Ate Annika ko. Bakit hindi ko na maramdaman na importante pa ako sa kanya? Pakiramdam ko talaga hindi na ako importante sa

