"Buntis ka ba, Ynnah?" ulit ko sa tanong ko kay Ynnah na puno ng kasabikan ang aking tono. May hindi ba ako nalalaman? Pansin ko kasi na parang napaka-emosyonal niya ngayon. Bigla na lang siyang umiyak nang hindi ko napagbigyan ang kanyang gusto. Ano'ng magagawa ko? Wala na talagang nagbebenta ng mangga. Nilibot ko ang buong palenke at Burnham Park ngunit wala na akong nakitang nagtitinda ng mangga. Kung maaga niyang sinabi kanina, marami pang nagbebenta sa gilid ng kalsada at malamang nakabili ako kahit sampu pa. "H-hindi ko alam, Troy. I am not sure, mahirap mag-assume," she said while biting her lips. She stopped from crying pero bakas pa rin sa kanyang mga mata ang pagtatampo. "You should take some pregnancy tests when we go home tomorrow," I suggested. Gusto kong makasiguro dahil g

