NANGHIHINANG NAGPUNAS si Zenna matapos maghilamos. Araw-araw siyang inaatake ng morning sickness. Nasa kama pa lamang siya at gusto pa sanang matulog ay agad nang bumabangon at tumatakbo sa banyo para magduwal. Lagi rin siyang nahihilo. Ramdam niya ang pagiging maselan ng ipinagbubuntis niya ngayon kumpara noong ipagbuntis niya si Nathaniel. Nauupos siyang bumalik sa kama at muling nahiga. May naririnig siyang mga tinig sa labas ng kaniyang silid ngunit bumibigat na ang talukap ng kaniyang mga mata at muling nakatulog. Paggising niya ay may nakita siyang pagkaing naka-tray sa ibabaw ng nightstand. Malamang ay nagpaakyat na ng pagkain ang kaniyang ama sa mga kasambahay dahil hindi pa siya bumababa. Biglang kumalam ang sikmura niya ng maamoy ang pancakes. May honey, jam, biscuit at isang