“ Ano’ng nagawa kong mali at ikinagalit mo nang husto sa akin, Zenna? ” Lalong nag-apoy ang galit niya. At tinanong pa talaga sa kaniya? Napakuyom siya ng palad. “ Was it because of the news or the scandal? ” “ Both! ” Hindi na niya makontrol ang sarili at nasigawan na ito. Ramdam niya ang sakit at poot sa dibdib niya para kay Matthew. “ Zenna, I can explain. Please listen to me, sweetheart. Hindi— ” “ Tell it to the marines, Matthew. Save your breathe, and please don't bother us anymore. ” Lumapit siya rito at pilit na kinuha si Nathaniel. Umiyak ang anak dahil gusto pa nitong magpakandong sa ama ngunit sapilitang inilayo ni Zenna. Nasaktan nang sobra si Matthew sa ikinilos ng dalaga. Hindi nito napigilan ang luhang nalaglag sa mga mata. Pumunta siya rito at umamo sa ama ni