HINDI MAAWAT NI ZENNA si Nathaniel na makipaghabulan kay Pepito, ang tutang askal na natagpuan nila ni Lilet na sa labas ng gate ng mansion. Hindi nila alam ang may-ari nito at para sana isauli ang nasabing tuta kaya naman sa halip ay kinupkop na lamang nila. Maganda sa hacienda Del Carmen. Tahimik at ibang-iba kumpara sa buhay na kinalakhan niya. At mukhang masaya rin si Nate sa buhay sa hacienda kaya naman kahit papa’no ay masaya na siya. Madalas ay naiisip niya si Matthew, pero mabilis din niya itong iwinaksi sa isipan. Natatakot siyang baka hindi na kayanin ang pangunulila rito. Ngunit masyado siyang nasaktan sa mga balita at sa mga scandal nito kaya naman pinipilit niyang kalimutan na lamang ang binata. Siguro ay dahil sa pagbubuntis niya kaya madalas siyang naiiyak at madaling ma