HALOS PALIPARIN NI ROBERT ANG SASAKYAN pagkasakay ni Zenna at suot ng seatbelt. Nakita pa ng dalaga ang pagkataranta ng mga bantay sa labas ng bahay nang makasakay siya sa kotse. Napansin siya ni Reden ngunit hindi na ito nakahabol nang paharurutin ni Robert ang sasakyan. “ Gaano ka kasiguradong nass Cebu nga si Matthew, Zenna? ” Makahulugan siyang sinulyapan ng binata nang makalayo na sila at malabong maabutan pa g mga bodyguard. Umiling siya. “ Iyon ang sabi niya. ” “ Eksaktong location, sinabi ba niya? ” Doon lang tumimo sa isip niya na hindk pala niya alam kung saang banda sa Cebu pumunta si Matthew. Napabuga ngmarahas na hininga si Robert. “ See? Hindi niya sinabi, tapos maniniwala kang nasa Cebu nga siya? ” Napatiim-bagang ang binata. “ Tatawagan ko si Rael para alamin sa kan