KAGABI PA NAG-AABANG NG TEXT o tawag si Zenna mula kay Matthew ngunit napuyat na lamang siya sa magdamag pero waka man lang ni isang text or misscall man lang sana galing sa binata. Nagtataka siya kung bakit hindi man lang sila naalalang kumustahin ni Nate. Pangatlong araw na ngayon na nasa Cebu ito at ni isang tawag o kahit text lang ay wala itong ipinadala. Hindi tuloy siya mapakali sa kaiisip kung ano ang nangyari dito. Kapag tinatawagan naman niya ang number nito ay palaging napupunta sa Operator dahil di nito sinasagot ang tawag. Ilang mensahe na rin ang ipinadala niya ngunit wala pa ring reply kahit isa man lang sana. Napilitan siyang tawagan si Rael. Kinuha niya ang number nito mula kay Reden, ang lider ng kanilang security sa bahay. Tauhan kasi ito ni Rael kaya alam niyang alam n