NAGISING SI ZENNA na parang minamartilyo ang ulo niya. Gayunman ay pilit niyang inalala ang mga nangyari bago pa siya malasing. Nasa Amigos Bar sila ni Arianne. Hindi jiya ito maawat sa pag-inom dahil iniindang problema. Ang tanging nagawa niya ay ang bantayan ito at aluin. Tapos siya ang uminom sa huling wine flute ng Gimlet. At bigla siyang nanghina at nag-hallucinate. Pero may mga putol-putol na pangyayaring nag-flashback sa isip niya. May lalaking matipuno ang pangangatawan at hanggang balikat ang buhok na biglang sumulpot sa kung saan at tinangay si Arianne. Sinundan niya ang mga ito hanggang sa may mga brasong nag-angat sa kaniya mula sa sahig at isinampay sa balikat nito. Pamilyar ang boses nito. Ang alam niya ay binitiwan lamang siya nang magsuka siya. May mga naririnig siy