KYLA POV. ILANG araw na akong balisa kaya nagtungo ako sa bahay ni Daddy Ninong lexus. Gusto kong alamin kung ano ang nangyari dahil bigla na lang out of country si Mauritius. Samantalang maayos ang huling pag-uusap ng mga magulang namin noong huli at gano’n din kaming dalawa. Nagkasundo na kami na sa ibang bansa magpapakasal at doon na rin maninirahan sa mga unang taon ng pagiging mag-asawa namin. Ngunit nabalitaan ko na lang na umalis na siya at hindi man lang nagawang magpaalam sa akin. “K-Kyla, halika at s-saluhan mo a-ako.” “Sige po, Daddy Ninong Lexus, nasaan po ang mga kasama mo dito sa bahay?” habang palinga linga ako sa paligid. “N-Nariyan lang sila, b-baka busy sa mga g-ginagawa.” Hanggang ngayon ay hindi pa rin diretsong magsalita si Daddy Ninong Lexus at hindi ko maiwasan m