ALJON POV. PARANG sasabog ang dibdib ko sa pagkabigla nang marinig ang mga binitawang salita ng kapatid ni Kyla. Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ko na magiging magkaribal kaming dalawa ni Kuya Mau. Wala man lang ako ng kaalam-alam na ikakasal na pala silang dalawa. Ang kaisa-isang babaeng pinagarap ko ay nawala pa. Gano’n din ang kaisa-isang kapatid ko na alam kong papunta na sa pagkasira ang relasyon naming dalawa. At kahit ayaw ko ay nawalan na rin ako ng tiwala sa kanya. Siguro dahil masyado akong umaasa na walang makakasira sa pagiging magkapatid namin. Kaya imbis na isang linggo ang leave ko ay naging isang araw. Dahil ngayon ay heto ako at naririto sa operating room. Pero assistant lang ako ngkasamahan kong doctor sapagkat hindi ako maaaring makapag-opera ngayon. Ayaw kong i