CALVIN POV. WEDDING DAY… “Congratulations, Mr. Calvin Clarence Poster Montemayor and Mrs. Mikaela Clemente Montemayor.” Pagbati mula sa buong pamilya na ikinasiya naming lubos na mag-asawa. Pasasalamat din namin sa aming tiyuhin na si Padre Marco, ang anak ni Lolo Nickolas. Gano’n din sa mga kaibigan na dumalo sa mahahalagang araw namin ni Mikaela. Bagama’t puro kantiyaw ang inaabot naming mula sa mga kaanak. Sapagkat masyadong malaki na raw ang tiyan ng aking asawa.At baka raw lima o higit pa ang laman ng tiyan nito na kinatawa ko. “Anak Calvin, masaya kami ng Tatay, ngayon na wala ng sagabal sa buhay ninyo. At kagaya ng laging sinasabi namin sa iyo noon. Lagi kayong magpakatatag dahil sa buhay mag-asawa ay kaakbat na ang mga pagsubok. Huwag makakalimot sa Diyos, tiwala, respeto at pa