MIKAELA POV. NAGISING ako sa ingay na aking naririnig. Ano ba ang nangyayari at parang nagtatalo ang mga boses na nanggagaling sa labas ng pintuan. Kaya ang ginawa ko ay napipilitan akong tumayo at lumabas. “Anong….” Nabitin ang aking sasabihin ng makilala ko ang dalawang lalaki. “P-Pasensya na asawa ko at nagising ka yata sa ingay naming dalawa?” Gusto kong mapasimangot dahil sa aking naririnig. Kaya tinalikuran ko na lamang sila at bumalik ako sa loob ng aking kwarto. Babalik na sana ako sa higaan ng maramdaman ko si Calvin sa aking likuran. “Kumusta ang pakiramdam mo, asawa ko?” “Medyo okay naman, ano ba ang pinagtataluhan ninyong dalawa ni AJ?” “Gusto kasi nila na magtungo tayo sa Bagiuo. Doon na lang daw tayo mag-spend ng ating honeymoon?” “Sinong sila ay isa lang naman ang k