Nakahalukipkip ang kamay ko habang nakatingin ako sa kalangitan. Ang sarap kasing pagmasdan ang bilog na buwan na sobrang liwanag. Sa kabila ng katahimikan at lamig ng hangin na dumadampi sa katawan ko ay tila nakakaramdam pa rin ako ng kalungkutan. Naramdaman ko na lang na tumutulo na ang luha ko. "Bakit ako umiiyak?" Mabilis kong pinahid ang luha ko saka muling pinagmasdan ang kalangitan, habang marahan kong hinihimas ang tiyan ko. Pitong buwan na ang anak namin ni Lawrence at ilang buwan na lang ay manganganak na rin ako. Pumapanatag ang loob ko kapag hinihimas ko ang tiyan ko lalo na kapag sumipa siya. "Anak, huwag ka munang mainip na lumabas hindi pa oras." "Mahal, bakit nandito ka?" Nilingon ko si Lawrence. Nakasuot siya ng panjama at may hawak siyang wine glass. Pilit akong ng