Isang matandang babae ang umiiyak sa harapan ko. Maging ang kasama niyang matandang lalaki ay nagpapahid na rin ng luha. Tiningnan ko ang paligid ko. Nasa loob ako ng maliit na silid na puro puti ang kulay ng dingding. Where am I? Nasagot ang katanungan ko nang makita ko ang nakalagay na dextrose sa kamay ko. Bigla akong naguluhan kung bakit ako nasa loob ng hospital. "Urgh! Anong nangyari sa akin?" Napalakas ang boses ko kaya lumingon sa akin ang dalawang matandang babae at lalaki. May luha sa mga mata at pilit na ngumiti sa akin. "David, anak…" sambit ng matandang lalaki. Inangat ko ang kilay ko ng tawagin niya akong David. Halos wala akong maalala na kahit ano. Kahit ang pangalan ko ay hindi ko kilala. "D-David? Sino si David?" Nagkatinginan silang dalawa na parang hindi makapa