Nakataas ang kilay ni Mommy nang salubungin kami ni David. Nalaman kasi niyang pinuntahan ko si David. At ang kaibigan kong si Dina ang nagsumbong sa kanya. Kung sabagay, inaasahan kong sasabihin iyon ni Dina. Alam kong ayaw ni Dina na mag-aalala si Mommy. Hawak ni David ang kamay ko habang papalapit kami kay Mommy. "Good evening, Mommy—aray!" sigaw ko. Bigla kasi niya akong piningot sa tenga. "Ikaw na bata ka! Palagi mo na lang akong pinag-alala!" Inis niyang sabi. Nang lingunin ko si David ay tumatawa lang siya sa akin. Hinahayaan niya lang si Mommy sa gusto niyang gawin sa akin. "David, awatin mo si Mommy!"" Pinanlakihan ni Mommy ng mata si David kaya walang nagawa si David kung hindi ang tumawa. "Aray ko!" hawak-hawak ko ang tainga ko pagkatapos niyang bitawan. "Sinasabi ko