Chapter 46 Umuwi si Helena na mabigat ang pakiramdam, parang may kung anong mali na hindi niya maipaliwanag. The air felt different the moment she stepped inside their house. Ang tahimik ng buong bahay. “Mama?” tawag niya agad sa ina, nanginginig ang boses, “Ninang Ofel?” Walang sumagot. Napakunot ang noo niya habang papasok sa sala. Walang tao. Walang ilaw. Kahit ang electric fan ay patay. It wasn’t normal. Hindi ganito ang bahay nila, lalo na kung nandiyan ang mama niya at si Ofel na laging maingay. Kinabahan siya. Bigla. Napatigil siya sa paghakbang at kinapa ang switch. Wala namang nagbago sa kabuuan ng sala. She quickly checked the kitchen. Wala ring mali. Mabilis siyang nagtungo sa kwarto ng mama niya at walang tao. Maayos ang kama, walang bakas ng pag-alis. “Ano ‘to…” bulong

