Chapter 47 Nag-aasikaso si Helena ng mga dokumento at listahan para sa kampanya ni Jedrick kinagabihan. Tahimik ang buong mansyon pero ang bigat sa dibdib. Parang may paparating na unos. Hawak niya ang mga kailangan habang naglalakad papunta sa function room. Saglit niyang tiningnan ang lista, “Okay… stage setup, confirmed. Security… double check later,” bulong niya sa sarili. Pumihit siya dahil si Jedrick ang pipili ng mga isasamang tao sa lugar. Umakyat siya sa taas dahil naroon ang kwarto ng lalaki. Akma siyang kakatok pero bago pa siya makakatok nang tuluyan, napahinto siya. Mula sa bahagyang nakabukas na pinto, narinig niya ang mahihinang ungol at ang galaw ng dalawang katawan sa loob. Sumilip siya at nakita si Jedrick na naiibabawan ng batang-bata na dancer nila sa kampanya. Napa

