Chapter 48 Naihanda ni Helena ang lahat mula sa ilaw, sound system, hanggang sa pagkakaayos ng stage kung saan magsasalita si Jedrick. The plaza was already crowded, halos wala nang madaanan sa dami ng tao. May mga banderang iwinawagayway, mga sigaw ng suporta dahil sa vote buying, at mga matang umaasang may magbabago sa gabing iyon. Huminga siya nang malalim habang nakatayo sa gilid ng stage, suot ang kanyang earpiece at mahigpit na hawak ang kanyang talaan. Everything was in place. Everything was ready. “Crowd is full,” mahina niyang sabi sa mic ng earpiece, “Mas marami pa sa inaasahan natin.” Mula sa kabilang linya, narinig niya ang boses ni Iggy, “Good. That makes everything more… interesting, baby.” Napangiti si Helena nang bahagya, “Interesting, huh? Sigurado ka bang hindi ka la

