Chapter 41 SA pagpunta ni Iggy sa opisina, ramdam niya agad ang kakaibang katahimikan sa paligid. Hindi tulad ng dati, parang nagkaroon ng buhay ang buong building sa kanyang pakiramdam. Walang elevator girl sa kanyang elevator na namumula sa tuwing kinakausap niya. Ang unang bagay na nakahawak ng atensyon niya ay ang papel na nakalatag sa kanyang mesa. Pakiramdam niya ay nakadagan sa kanya ngayon ang buong mundo. Galing siya kay Eli dahil walang sumasagot sa cellphone ni Helena sa tuwing tumatawag siya habang papauwi na. Nagtataka siya dahil noong una ay nagri-ring naman hanggang sa hindi na. And the sound was like he had been blocked. He stupidly went crazy. “I'm sorry, boss pero wala na po si Helena. Umuwi na po siya kay ninang.” “Damn! Why? Why wasn't she answering my calls?” Kinak

