Chapter 36 MAAGA pa lang ay gising na si Helena. Bahagyang sumisilip ang liwanag ng araw sa pagitan ng mga dahon ng malalaking puno sa paligid ng kanilang tinutuluyang campervan. Ang hangin ay malamig at sariwa nang buksan niya ang bintana, may dalang amoy ng lupa at damo na nabasa ng hamog sa magdamag. Sa malayo, maririnig ang mahinang agos ng ilog—tila ba tinatawag siya nito. This place is so peaceful, just like hacienda Vergara and its place, not just the people, especially Don Ricardo and Jedrick. Napangiti siya nang makita si Iggy na natutulog pa. He looks so peaceful, not the typical aura when he's on top of her. Nanginit ang kanyang mga pisngi. “Iggy…” mahina niyang tawag habang pinagmamasdan ang asawa na mahimbing pa ang tulog sa kama. Nakahiga ito nang nakatagilid, bahagyang ma

