Chapter 35 TALAGANG hindi naman tumingin si Iggy sa mga magagandang babae na naroon sa loob ng restaurant. Sa pagkain ito naka-focus at sa pag-uusap nilang dalawa. Nagkukwentuhan sila tungkol sa buhay niya, sa buhay lang niya at hindi sa buhay nito. Napasulyap si Helena sa kabilang mesa nang biglang tumawa ang isang babae at parang nilakasan talaga ang boses. Kanina pa niya napapansin na parang inaagaw nito ang atensyon ni Iggy. Maraming gwapo sa paligid base sa kanyang nakikita pero si Iggy ang pinakalamapit sa mesa ng dalawang babae na iyon. Halos katabi nga nila ang mesa, isang maliit lang na daan ang naghihiwalay sa kanila. Nakikita niya ang babae sa telebisyon sa Star Balita. Parang bold star ito ng Vivamax. Lihim na napatingin si Helena sa sariling harapan. Lumuluwa kasi ang hina

