Chapter 23

1540 Words

Chapter 23 PARANG daga na nakakita ng pusa si Helena nang magising siyang ang bumungad ay dibdib na may mga pinong balahibo. They are sharing one thin white blanket, her blanket, kaya lang halos singit na lang nito ang nakukumutan dahil sa mabilis niyang paghila sa tela para itakip sa katawan niya. Napatingala siya sa bubungan na walang kisame. “Salamat po at hindi kung sino ang iniuwi ko rito,” bulong niya sa langit. Hindi na siya iinom kahit kailan. Ikapapahamak niya ang pag-iinom ng alak. Bakit may pangitain siya na parang si Jedrick ang kausap niya kagabi at hindi si Iggy? Paano na si Iggy ang katabi niya at hindi ang kanyang ex? Baka iyon lang ang tingin niya dahil lasing siya dahil may mga anggulo talaga na magkahawig ang dalawa. Muli niyang tiningnan ang nahihimbing na binata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD