Chapter 22 “PAGKAGANDA-GANDA mong babae, nakikipag-inuman ka sa mga pangit na lalaki?” Tumatawa na sabi ni Kokoy kay Helena. Kamuntik siyang mabuwal sa kinauupuan nang hampasin niya ang lalaki sa braso. “Ikaw talaga Mang Kolokoy, inuto mo pa ako. Kung ako maganda, dapat ay hindi ako ipinagpalit ng jowa ko sa babaeng parang sungkayaw,” sagot naman niya, umaalog na ang ulo sa kalasingan. Napunta siya rito dahil sa paglalakad-lakad niya kanina ay natanaw niya ang mga babaeng alaga ni Tasha sa kabaret. Mga entertainer lang naman ang mga iyon, mga hindi naman babaeng pumipila lang para sa pang-kape. Inalok siya ng mga iyon na mag-shot, at unang beses sa buhay niyang uminom siya ngayon. Ang shot ay nauwi sa boteng gin. Naiwan na rin siya dahil naghahanap-buhay na ang mga babae. Natutuwa siy

