Chapter 2

1585 Words
Chapter 2 Her heart races in an instant. Nobody owns a mansion near the seashore except for Jed. Imposibleng ibang tao ang tinutukoy ni Kylie dahil ang pangkalahatang parte ng bayan ay sa mga Vergara and Kylie's father is the Mayor. “Oh please, baby boy, ayoko na sa kwadra at sa kotse. I feel like a mistress. A luscious mistress and not a boring one.” Sabi ulit nito at humagikhik pa kasunod ng pag-irap sa kanya. Kwadra? Kotse? Boring? “Masarap. Sobra.” Another giggle with sensuality. She swallowed. Hindi niya gustong mag-isip ng masama pero parang hindi maganda ang kutob niya. Matagal na niyang napapansin na parang biro lang para kay Jed ang lahat ng meron sa kanila kaya nga hindi niya magawang isuko ang kabuuan ng kanyang pagkatao rito. Kaya nga hanggang ngayon ay virgin pa siya dahil nga bwisit ang boyfriend niya! And now she will hear her ex best friend trying to piss her off? She’s not a fool. She knows that it is Jedrick who’s on the other line. Her blood is coiling and her green eyed monster is eating her self-control, her patience. She’s been waiting for one and a half hour by now but there was her filthy boyfriend somewhere beyond hell, talking to a b***h? Mga walang hiya! Hindi siya tanga. Pero hindi siya basta na lang dapat na mag-alburuto. She’s going to ask him decently. Who knows, Kylie is just playing some dirty games with her or trying to work up on some stupid faux stories about Jedrick. “Yes, tomorrow same time, near the shore. Wait for me there, baby boy. Bye. I love you, too!” Kylie hangs up and sexily puts the smartphone inside the expensive bag she's wearing. Ahas ang walang hiya! Mga hayop! Literal na kumukuko kulo ang dugo niya pati na ang mga luha pero pinilit niyang kontrolin ang sarili. She’s going to put Jed in his proper place but of course she has to prove her instinct right before she bursts out. Hindi siya ang tipo ng tao na basta na lang pumuputok na puro tamang hinala lang. Her eyes follow Kylie as the woman walks out on her again with that smug smirk. She felt so puny and instinctively inferior. She has nothing except for her mother, the Vergara's servant inside the three storeys mansion of Don Ricardo. Her mother was Jed's nanny. Napakurap na lang siya nang bigla siyang makaramdam ng panghihina. Mukhang pinagtataksilan na talaga siya ng future husband niya. Ang kaisa-isang lalaking crush niya at naging boyfriend na kahit na paltos ang ugali ay minamahal niya. Malalaman niya ang totoo bukas, susunod siya sa tabing dagat at oras na tama ang kutob niya ay hindi siya magdadalawang-isip na iurong ang kasal sa susunod na bakasyon. She remained standing under the shed for a few minutes more before Jed came over, driving his sparkling yellow Hammer. Ito lang ang may sasakyan na ganoon sa kanilang lugar na ang bili pa raw ay nasa 5.6 million pesos. At kung siya ang tatanungin ay pangit naman dahil parang sasakyan ng funeraria. While Jed loves his car more than anything in this world. He would even kill just because of his stupid car and it happened so many times. Kapag nasasagi ay nanununtok kaagad at parang mamamaril nang minsan na mabangga ng isang tricycle sa likuran. He has an immense egotism and she doesn’t like it. At ni minsan ay hindi niya ipinagyabang na boyfriend niya ito. She’s no fool to set herself in a controversy. Wala pa ngang kasal ay pinag-uusapan na siya, paano kaya kapag meron na? At mas lalong hindi siya pakakasal sa babaerong ito na ni minsan naman yata ay hindi nagbago. “Hi, babe.” Sumilip ito sa bintana at saka kumindat sa kanya. Ang laki-laki ng ngisi ng impakto. Malamang ay nakarating ang demonyo sa ikapitong langit. She’s not aware of the 7th heaven but she heard about it so many times. Her high school teacher had always warned them back then not to join any frat organizations to keep their hymens intact and to never experience the thing they so called 7th heaven when the male members of the fraternity settled the initiation by getting them laid. And she got the meaning of that. So, she had mastered to remember that 7th heaven deals about s****l relations with the opposite s*x. At mukhang galing ang demonyong Jed sa ikapitong langit ni satanas na Kylie. Sa kwadra? Sa kotse? Pwe! “Kung buntis ako, malamang inabot na ako ng panganganak dito.” Buong kapilyahan na sagot niya sa lalaki na lalo lang na lumaki ang ngisi. Labas ang mapuputing ngipin at ang dalawang malilit na dimples sa may gilid ng labi nito. Nagpapapogi ito pero ramdam niya na hindi iyon dahil sa pasaring niya. Pikon ang lalaki at kaagad na nasasaling ang ego pero bakit ngayon ay hindi ito tinablan? He's that satanic grin because he’s ignorantly happy. Jed is every woman’s fantasy. Ito ang pinakasentro ng atensyon ng mga kababaihan sa buong bayan at lahat ay nag-aasam na makadate ang milyonaryong kurimaw. He’s the hottest kurimaw. Matangos ang ilong, gulo-gulo ang makapal at itim na buhok, may goatee na lagi nilang pinag-aawayan pero aaminin niya na bagay dito ang goatee, matangos ang ilong, maganda ang mga maiitim na mata at mapula ang mga labi na may kakapalan, may hikaw sa tainga at maangas na pumorma. He’s tall, dark and really handsome, only that, she’s not really feeling any sort of awe toward him because for her, Jed is lousy and a Lolo's boy; another thing she considers before setting her foot inside the church to marry him. Pero mabait naman si Don Ricardo at hindi naman siya pinababayaan. Wala naman ibang gusto ang matanda na mapangasawa ni Jed maliban sa kanya dahil matalino raw siya at napakabait… pag tulog. Masipag daw siya at hindi mareklamo, responsible at hindi malikot na babae. Hindi ako malikot pero malikot and apo niyang lalaki. “Sorry, babe. May inasikaso lang ako na inutos ni lolo. Hop in. Where would you like to eat?” Iisang sulok na lang ng labi nito ang nakabalikwas para sa isang ngiti. Inutos ni Lolo? Inutos ni lolo na araruhin mo ang impaktang si Kylie sa kwadra at bukas ay sa mansion sa may dagat? Pero bakit parang pinilipit ang puso niya dahil sa ngiti na iyon? A vision of Kylie's face with a smug grin comes flashing in, ripping her entire system. If Jed's cheating on her, that will be the end of the story. Hindi siya kailanman magpapakasal sa lalaking niloloko siya para lang sa ibang babae. She has her morals and she has respect for herself as a woman and even if she loves Jed, she’s willing to sacrifice it rather than to sacrifice herself and the love for herself just for the sake of granting other people's wishes. Nang mag-angat siya ng paningin ay sinalubong niya ng matapang na titig si Jedrick. “Iuwi mo na lang ako kasi puro kalyo na ang paa ko.” She opens the passenger’s door of the Hummer and slams it close. Napatanga sa kanya Jed at hindi siya pwedeng magkamali na amoy ng babae ang naamoy niya sa loob ng sasakyan nito. Lalo lang sumakit ang dibdib niya. Somehow she invested so much for this guy since her childhood days. She believed in him, loved him and trusted him but now what? He must’ve been fooling her since then. “Ano na namang problema mo? Na-late lang ako. Sorry na. Is that all that you need? Fine. Sorry, Princess.” Nagbungguan ang mga makakapal na kilay ng lalaki habang nakatingin sa kanya at base sa tabas ng mukha nito ay iniinsulto pa siya. Sorry na? She doesn’t feel it and it feels like he doesn’t mean it. He’s talking to her but looks like his mind isn’t on the topic. Napapansin niya na hindi matanggal ang kakaibang aura ng namumula-mula nitong mukha na may galos pa. Napakunot noo siya at napatitig sa sugat nito. Parang kalmot iyon pero umiwas ito ng tingin at sinimulang paandarin ang sasakyan. “Seat belt mo. Wala akong panahon na makipag-away, Farrah. I’m tired, for Pete's sake! Loosen up yourself! I came to pick you up though I knew I was f*****g running late! Wag mo na akong sisihin at magpasalamat ka na lang. Ngayon, kung nagrereklamo ka sa paa mo na may kalyo, kasalanan mo 'yan. You’re not fond of wearing shoes like what you're wearing, so why wear one?” Umiling ito na parang hinahamak siya. Oo hindi ako sanay kasi si Kylie ang oo... Inis na humalukipkip siya sa upuan at nahigit ang mga panga sa sobrang inis. She feels like crying but she’s strong enough to keep her tears. Ganoon ang ugali ni Jed, hindi ito malambing at kapag nag-aaway sila ay mas nauuna pang magtatalak na parang puta at siya ang nananahimik. But her silence is threatening. Kapag nabwisit siya ay baka maiangat niya ang sasakyan nito at ibalibag niya sa pagmumukha ng herodes na taksil! Naglalambing lang ito ay kapag may hihingin at hindi siya tanga para ibigay dito ang p********e niya kahit na parang hindi naman talaga ito interesado at sumusunod lang sa gusto ng lolo nito para lang makuha ang bwisit na mana sa mga Vergara oras na makasal sa kanya, at ang kagustuhan nitong manalo sa eleksyon at magkaroon ng kapangyarihan sa buong munisipalidad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD