Chapter 3
Farrah
"Ayoko ng magpakasal!" ito ang mga salitang lumabas galing sa bibig niya nang pumasok siya sa mansyon ng mga Vergara, kung saan kasamabahay na ngayon ang Mama niya.
Isinalya niya ang bag sa may kataasan na stool sa harap ng island counter.
She wipes her tears and forces herself to stop weeping but she can't control it. Kahit na anong gawin niyang pagtatakip sa nakita at narinig niya sa bahay ni Jed sa may tabing dagat at hindi niya magawa.
It's obvious, Jed cheated on her. Ang mga hayop, gumagawa ng kababalaghan pero hindi sinisiguro na maitatago nang maayos.
Nasa may sala pa lang papaakyat sa hagdan ay nagtatalik na ang magaling niyang boyfriend at si Kylie. Kaya pala madalas sa relasyon nila ay parang bibihira na maglambing ang lalaki, iyon pala ay may ibang nilalambing.
Farrah flinches when her mother grabs her by hand. "Hinaan mo naman 'yang boses mo, anak. Ano bang sinasabi mo at bakit ka umiiyak?" pinahid nito ang luha niya sa pisngi.
She just stared at her mother blankly. She's feeling nauseous. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang imahe nina Jed at Kylie sa may hagdan. Parang mga aso ang dalawa. Hindi niya maintindihan pero sukang-suka siya sa nakita niya. Talagang sinadya ng impakta na iyon na iparinig sa kanya kahapon ang usapan ng dalawa na mgkikita ngayong araw. At nang sundan niya ang kotse ni Kylie ay sa resort nga papunta ang babae. Sumunod siya hanggang sa loob ng gate dahil palagi namang hindi nakakandado iyon kapag nandoon si Jed. Mabuti na lang at tapos na ang defense niya at malaya na siyang umalis sa eskwelahan. Iyon lang ay ang sakit-sakit sa dibdib ng nakita niya na ginagawa ng dalawa. Pagbaba pa lang ni Kylie sa kotse ay sinalubong na kaagad ni Jed. He was wearing nothing except for a black towel. Labas ang maskuladong katawan ng walang hiya, at ang mga tattoo na hindi mabilang. Naghalikan kaagad ang dalawa at parang hindi mapaghihiwalay ang mga nguso kahit na gupitin pa. She's badly killed in an instant. She had to ask herself what Jed really needed from her? It's lucid that he doesn't love her. If he does, he won't cheat. Ang pagiging manang niya ay hindi dahilan para magtaksil sa kanya ang lalaki. She's not literally 'manang' ; maganda naman siyang manamit pero ang tinutukoy kasi ng dyablong iyon ay ang kawalan nila ng physical contact kahit na isang taon na silang mag-boyfriend.
"Ma," her voice trembles and comes out with a sob. "M-Ma, sabihin mo kay Lolo Ricardo ayoko na magpakasal sa apo niya." Umiling siya nang sunod-sunod at inalog ang mga braso ng Mama niya.
"Teka nga, anong nangyari? Saka..." Inilibot ni Helena ang paningin sa paligid at sumilip sa pintuan bago ulit nagsalita.
"Saka anong ayaw magpakasal? Alam mo naman na wala tayong magagawa, anak. Hawak niya tayong mag-ina at alam mo na simula pa lang ay inalagaan ka na ng matanda na iyon para maikasal sa apo niya, ‘di ba?"
Kaagad na naghimagsik ang kalooban niya. Oo, noon gusto rin niya kasi ay wala siyang muwang at si Jed ang kaisa-isang lalaking nagustuhan niya. But now that she had witnessed everything and heard everything coming from Jed's lips, all the love that she feels for him just melted away. Puro kahalayan ang lumalabas sa bibig ng magaling na lalaki at purong mga pintas sa kanya. Ikinukumpara pa siya ng lalaki kay Kylie. Wala raw siyang kasabor-sabor at walang thrill na girlfriend. Daig pa raw niya ang Santa na parang mabubuntis kapag nahalikan sa labi.
"Ikaw Ma’, wala kang magagawa pero ako meron. Hindi ako magpapakasal sa lalaking babaero at walang pakialam sa pakiramdam ng iba! Gusto lang niya ay siya ang palaging maging masaya. Nakita ko sila ni Kylie sa may tabing dagat, doon sa mansyon. Para silang mga aso!" She blurted out with a sob.
Nanlaki ang mga mata ng Mama niya at napatakip sa bibig.
"Halos hubad sila, Ma. Nandoon pa lang sila sa may hagdan, may ginagawa na sila!" Napalakas ang boses niya dahil sa sobrang sama ng loob.
Unang beses iyon sa tanan ng buhay niya na nakakita siya ng babae at lalaki na aktwal na nagsi-s*x at hindi iyon maalis sa isip niya. It's like a GIF plastered inside her innocent head.
She cans till even hear Kylie's voice and the dirty screams on her mind. Ang mas nakakasakit sa kalooban niya ay para siyang tanga habang nagpapakasarap naman ang dalawa. She's sure that s*x isn't disappointing. By the look on Jed's face as he does her ex best friend from behind, she's aware that the two were having the best times of their lives. What's with Kylie? Anong meron sa kaibigan niya na wala sa kanya? Bakit hindi magawang magpakatino ni Jedrick Miguelle?
Si Kylie... ang lakas-lakas ng boses ng kaibigan niya habang kapit na kapit sa barandilya ng hagdan para lang mabalanse ang katawan habang walang tigil naman sa pag-urong sulong si Jed. The woman was still wearing her blouse, bukas ang mga butones at labas ang dibdib dahil nakaangat ang puting bra, wala na ang uniform na skirt pero suot ang puting stockings habang inaararo ng bwisit na si Jedrick.
Makailang ulit siyang umiling para tanggalin ang eksena na iyon sa isip niya. Hindi naman siya si Virgin Mary na nasusuka dahil sa salitang s*x lang. Nasusuka siya dahil hindi niya matanggap ang ginawa ni Jed sa kanya at sa mismong best friend pa niya. Kahit na sabihin pang hindi na sila magkaayos ni Kylie, may parte pa rin sa pagkatao niya na mahal niya ang kaibigan kahit na inaway siya noon para sa isang lalaki lang. Pero ngayon, wala na. Kaaway na ang turing niya sa babae at hinding-hindi siya magsisisi na hinampas niya ng bag ang pagmumukha noon at tinamaan ng buckle sa ilong. Maaaring nanalo si Kylie pero hindi pa naman siya tapos. Hindi siya ang nang-agaw kaya hindi siya ang talunan. That makes a great sense and huge difference. Siya ang inagawan kaya ibig sabihin noon ay mas mabuti siyang tao kaysa sa babae. She won't stoop down on Kylie's level and she won't come running after Jed on bended knees. She loves him but cheating is a different side of the story.
"Farrah,"
Parehas silang napalingon ng Mama niya nang marinig ang boses ni Don Ricardo sa pintuan ng kusina. Nakatayo roon ang matanda at hawak ang tungkod. It's too late for she can no longer hide her tears. The old man knows how much she's given to Jed. He's been her only man and she patiently waited for him to come home after spending years in US. Walang kahilingan ang mga matatanda na hindi niya pinagbigyan. Kung tutuusin ay talagang malapit ang pamilya niya sa pamilya ni Jedrick. Kahit pa nga sabibin na mahirap siya at mayaman ang mga Vergara ay hindi maililihim kung anong pinagsamahan ng mga lolo nila. Isang malaking pagtanaw ng utang na loob ang puno at dulo ng lahat kaya nangyari ang kasunduan ng kasal. Don Ricardo was like Jed back on his younger years, the old man had no balls to fight for his right and himself. Ang lolo niya raw ang matapang at tagasangga ng lahat ng bala na para sa matandang milyonaryo. Her lolo fought for his very best friend and never left even if he had to give up his own life and his position for the sake of this man who's standing at the kitchen's doorstep. Mama niya dapat ang maikakasal sa anak na lalaki ni Don Ricardo pero nagkataon na babae rin naman ang naging anak noon kaya naging matalik na lang din na magkaibigan ang dalawa; ngayon sa kanila na mga apo napunta ang kasunduan.
Mahirap man paniwalaan pero totoo na nangyayari sa totoong buhay ang mga ganitong sitwasyon lalo pa nga sa kanila na pare-parehas na nasa probinsya at masyadong mapagpahalaga sa pinagsamahan ng pamilya ang mga ninuno nila.
At siya ang babali noon...
"Narinig kita. Pagsasabihan ko si Jed. Magbabago rin siya kapag kasal na kayo. Wala na akong makikita na babae na pwedeng maging ikaw." The old man said making her jaws drop.
So ano iyon? Magiging dakilang martir siya at tau-tauhan? Hindi naman siya papayag sa gano'n.
"Bakit po lolo? Dahil ba nakikita niyo na ako lang ang kayang magtyaga kay Jed?" sagot niya na parang nagpatigas sa mukha ng matanda.
"Farrah," saway sa kanya ng Mama niya pero tama naman siya. Bakit naman magpapauto siya sa mag-lolo? Oo nga at malaki ang utang na loob ng pamilya niya sa mga Vergara pero parang bayad na rin naman siya dahil ang lolo naman niya ang napahamak dahil sa matandang ito na kaharap niya.
"Pasensya na Don Ricardo." Hingi pa ng paumanhin ng Mama niya kaya natingnan niya ito nang masama. Bakit sila pa ang hihingi ng sorry? Hindi siya ang may kasalanan. Siya na nga ang niloko ni Jed tapos siya ang nagmumukhang magnanakaw o di kaya ay taksil?
"Pagsasabihan ko siya pero walang magbabago, Farrah Helena. You will marry him and change him. Alam ko na kaya mo iyong gawin. Give him time. Wala ka naman daw kasi ibang inatupag kung hindi ang mag-aral. My grandson needs a life and it's a give and take relationship. I'll talk to him so you must forget about him and Kylie. Ayoko sa batang iyon para sa apo ko, masyado siyang makati. She's just a part of Jed's every day adventure and he'll get rid of her immediately once he's sated. Hindi makatutulong ang isang nurse sa negosyo ng mga Vergara, only a CPA can." Anang matanda na kaagad na tumalikod pagkatapos na sabihin iyon.
Lalong napaawang ang bibig niya. She must be really flattered by now but she's feeling the other way. She even felt the bile rising up in her throat. It's clear that Don Ricardo wants her for Jed because she will make a good reputation to the Vergaras and she's going to participate in their multi million businesses. Sa maikling salita, malaki ang pakinabang niya para sa mga ito kaya siya ang pinipili ng lalaki para sa hayop na si Jed. Patawarin siya ng Diyos pero nakakapagmura siya sa sobrang sama ng loob. Lahat ginawa niya, at inintindi ang lalaki pero sa huli ay siya pa rin ang natalo. At hindi na siya papayag na matatalo pa siya ulit. Katangahan na kapag pumayag pa siya. Oo nga at kahit mahirap sila ay maganda ang reputasyon ng pamilya niya sa buong Hacienda Vergara at sa buong kabayanan, kaya malamang na talagang magugustuhan siya ng matanda pero ayaw na niya. Tama na ang minsan siyang lokohin. Ewan ba niya pero lahat ng pagmamahal niya para kay Jed ay bigla na lang naglaho na parang bula nang makita niya ang hudas na walang tigil sa pag-araro kay Kylie, ang ulupong!