Chapter 6
SHE confidently stepped inside the office of the CEO. Hindi siya nakayuko para itago ang kanyang magandang mukha, at hindi siya yumuko dahil wala siyang ginawang masama. Kaya lang, muntik naman siyang mapatigil sa paghakbang nang makita niya kung gaano kagandang lalaki ang CEO. Rumors were true. Sabi ni Eli, gwapo ang buhok. Gwapo nga at walang halong biro iyon. Parang sa itsura siya nito kakabahan at hindi ang pagpapaliwanag na gagawin niya. Ngayon lang siya nakakita ng ganito kagandang nilalang.
Tumigil ito sa ginagawa nang tumunog ang pinto nang lumapat sa hamba. Isinara na kasi iyon ni Donatello.
Nag-angat ng paningin ang CEO at nagtama ang mga mata nila. Napakurap ang dalaga nang wala sa oras. Sumandal ito sa upuan at iminuwestra ang harap ng mesa nito, na may apat na pulang sofang pang solohan.
"Good morning, Sir/Mister CEO!" Magalang na bati niya rito.
"Have a seat..." anito sa boses na malalim at lalaking-lalaki. He sounds more of a disc jockey than a CEO.
"A spy in my company." Anito kaya nabitin sa ere ang kanyang pwet ni Helena, "Farrah Helena Velasco Buenavista."
She gulped. Tumingin siya sa mukha nito pero nag-mwestra ito na maupo siya kaya ganoon ang ginawa niya.
"You're from...hacienda Vergara?" Kunot noo ito.
Tumango siya. Hindi niya maitatago ang kanyang pinagmulan dahil sa records niya sa paaralan. Hindi naman siya nag-submit dito ng mga pekeng credetials, lahat ay galing sa probinsya.
"What do you do for a living there? Tell me, nag-aral ka ba na maging spy?" Mapang-uyam na sabi nito. Ginigisa na siya ng CEO sa simpleng paraan.
"Sir," pigil niya rito, "hindi niyo po ba ako tatanungin muna kung paano napunta sa akin ang USB?"
"Is it necessary?" Umarko ang gwapong mga kilay nito, "ninakaw mo."
Aray. Napatiim-bagang ang dalaga. Ang diin ng salita nito at bakit parang mas masakit na dito iyon manggaling.
"Kasama po ba ito sa sampung minuto ko?" Matatag na tanong niya kaya hindi ito nakapagsalita.
Sumulyap ang binata sa suot na relo at muling ibinalik ang mga mata sa kanya.
"Your timer starts now, Helena. Oh wait, is it He-lena, Helen-uh or—"
"With imaginary Y, Sir. It depends kung anong gusto niyong accent basta po may Y."
Tumango ito, "Ten minutes."
"Una po sa lahat, hindi ko po ninakaw ang sinasabi niyong USB kaya hindi niyo rin po ako pwedeng tawagin na spy. Elevator operator po ako. Ang access ko lang po ay elevator mula umaga hanggang alas singko ng hapon. Nasa akin po ang USB na iyon sa hindi ko malaman na dahilan. Kinabukasan ko na po nalaman na may laman ang bulsa ng palda ko. Ibibigay ko na sa LF nang pumasok ako pero dumating bigla ang vault custodian at hinalungkat ang bag ko. Nakuha po nila sa bag ko syempre kasi doon ko inilagay."
Tumingin ang lalaki sa suot na relo, malamang kinakalkula ang oras na natitira sa kanya.
"You were saying, ikaw talaga ang puntirya niya?"
"Siguro po kasi ako mismo ang hinarap nila at tinanong kung nasaan ang bag ko. Tapos tuloy-tuloy na iyon na inakusahan nila akong magnanakaw at spy. Hindi ko nga po alam kung anong laman no'n. Buti nga po hindi ko tinapon.
"Sinasabi mo na napunta na lang iyon sa bulsa mo?"
She nodded.
Umiling ito, "Impossible."
"Kung sinasabi nila na ninakaw ko iyon, dapat po ay patunayan niyo rin mismo galirng sa CCTV footage."
"The problem is, sira ang CCTV nang araw na iyon, Helena."
"Ganoon nga po kaya nila ako inaakusahan, kaso walang magpapatunay na hindi ko alam paano iyon napunta sa bulsa ko kaya hindi rin po ako papayag sa mga pambibintang nila. Version po nila iyon na ninakaw ko at ito naman ang version ko, na hindi ko ninakaw."
Nanatili na nakatitig sa kanya ang gwapong amo, "What do you do for a living in Hasyenda Vergara? Why did you leave?"
"Kailangan ko po bang sagutin kahit masyadong private na tanong niyo, Sir?"
"I am your boss."
"I left because my boyfriend cheated on me. Iyon lang po ang masasabi ko, Sir. At sa kung paano po kami nabubuhay, kasambahay po ang Mama ko sa mansyon ng mga Vergara."
Hindi maintindihan ni Helena kung bakit parang naningkit ang mga mata ng kaharap niya, pero imposible.
"Vergaras..." tango nito.
"Kilala niyo po sila, Sir?"
Nalukot ang labi ng binata at umiling, tapos ay medyo ngumiti sa kanya, "Makakauwi ka na, Helena. Bukas, malalaman mo kung tuloy ka pa rito o hindi na. I don't keep a spy in my company—"
"But I am not a spy, Sir," she declared right away, "Nagtatrabaho po ako para makapagpatuloy sa pag-aaral dahil wala na po akong balak bumalik sa pinanggalingan ko. Kapag sapat na po ang ipon ko, kukunin ko na po si Mama sa mga Vergara."
"And what's with those people?"
"Mataas po ang tingin sa sarili tulad ng iba niyong empleyado rito."
She stood up. Ngayon ay ito ang tumingala sa kanya kahit hindi siya ganoon katangkad.
"Hintayin ko na lang po ang text ni Sir Rey. Salamat po sa panahon at oras niyo, napaunlakan niyo ang hiling ko kahit na mas higit pa sa ginto ang oras niyo. Tutuloy na po ako." Paalam niya.
Pansin niya ang paglakbay ng mga mata nito sa kabuuan niya, at napakahirap nitong huwag tingnan. Napakapogi ni Juan Miguel Perriera.
"Be careful," anito nang tumalikod siya.
Napatigil nang kaunti ang dalaga at balak na lumingon sana pero hindi niya ginawa.
"Salamat po," she just softly said but deep inside her, she was already crying.
Mukhang sa tono nito ay mawawalan na siya ng trabaho dahil lang sa pahamak na flash drive. Mabilis siyang humakbang papalabas ng opisina kahit na talunan na siya. Sino nga ba naman siya para paniwalaan ng isang tulad nito? Tama si Rey, sasayangin lang niya ang oras. Pati na oras niya ay nasayang na. Hindi talaga mahalaga ang boses ng isang katulad niya.
At least ay sinubukan mo. Bulong niya sa sarili. Pumasok siya sa elevator at humugot nang malalim na hinga para kalmahin din ang sarili niya. Naluluha rin siya. Maghahanap na naman siya ng trahaho. Aasa na naman lang siya sa ninang niya kapag natagalan siyang ma-hire.
Di kawasa ay napasandal siya sa dingding habang bumababa ang lift. It stopped when she was already in the lobby. Uuwi na siya at baka hindi na siya rito bumalik pa kaya inilibot niya ang mga mata nang makalabas siya ng elevator.
Nagsisi siya bigla dahil ang vault custodian ang nakita niyang naglalakad, papalapit sa pwesto niya. She wanted to walk away but the woman was quick. Nasa harap na kaagad niya ito, at tulad pa rin ng paghaharap nila noong una, mapanghamak pa rin ang mga tingin nito sa kanya.
"Hindi dapat dito pakalat-kalat ang isang magnanakaw."
"Hindi rin dapat dito pakalat-kalat ang anay."
Agad itong napakunot-noo, "Anong anay?"
"Para ka namang hindi nag-grade two. Anay ay termite. Naninira para sa pansariling kapakanan."
"Are you accusing me?" Galit na tanong nito sa kanya.
"I don’t have to. Alam mo sa sarili mo kung paano napunta sa uniform ko ang USB na sinasabi mong ninakaw ko. Ako ba ang nagnakaw o ikaw?"
Lalong bumalasik ang mataray na mukha ni Vanessa.
"Sooner or later malalaman ng CEO ang ginagawa mo. Good luck." Papairap na sabi niya saka umiling. Yaman din naman na tanggal na siya, sasabihin na niya ang basa niya sa pagkatao ng babaeng ito, ugali na hindi siguro napapansin ni Mister Periera dahil kinakapatid ito.
Alam kaagad niya na para makaligtas ito sa tiyak na pagkabuking, isinuksok nito ang flash drive sa bulsa niya nang hindi niya namamalayan. Ito ang may masamang binabalak sa kumpanya, at sana ay makita iyon ng CEO balang araw, kahit na wala na siya.
Mas mabait na kausap ang lalaki kahit na direct to the point. Ang babaeng ito ay direct to the point sa nakakaimbyernang paraan.
"Magkano ang ibinayad sa iyo ng kalaban ni Mister Periera para ipuslit mo ang flash drive? Nakakatawa ka. Bintang mo pa sa akin ang bagay na ikaw naman ang gumagawa."
Papairap niya itong hinagod ng tingin bago siya humakbang at iwan ito.
Ni hindi na ito nakapagsalita pa dahil dumarami na ang tao sa paligid. Nang makalabas siya ng building ay kinuha niya ang cellphone para i-imporma si Elijah tungkol sa mga sinabi ng big boss sa kanya.
Nalulungkot siya na sobra at gusto niyang umiyak. Hahanap na lang ulit siya ng ibang kapalaran, tulad ng ginawa niya kay Jed. Hindi man siya naghanap ng iba, lumayo naman siya. Ganoon lang din ang kanyang trabaho.