Chapter 5

1579 Words
Chapter 5 NGAYON ibinubuhos ni Helena ang luha niya dahil nasa bahay na siya, kaharap ang kanyang ninang at si Elijah. Ang bakla ay maluha-luha na sobra ang mga mata habang nakatingin sa kanya. "Sasamahan kita, sis. Sasamahan kita sa pagharap sa CEO." "Parang mahirap, Ate kasi ay kung sino lang ang may appointment, siya lang ang haharap," suminghot na sabi niya rito. "Iyon nga ang problema, hindi ka basta-basta makakaharap sa CEO. Mataas na tao na kasi iyon. Kaya mo ba, Farrah?" Nag-aalala naman na tanong ni Ofel sa kanya. "Kakayanin po, ninang. Ako po nag-demand no'n dahil hinahamak nila ako na sobra nang makita nila ang usb sa bag ko." "Walang hiyang usb 'yan. Bakit kasi ikinakalat-kalat nila tapos kapag napulot ng iba, sasabihin ay ninakaw? Baka saksakan ko sila ng isang toneladang usb, mga walang hiya sila," galit na himutok ni Elijah, "iyong sinasabi mong kulot na babae na iyon, feeling tagapagmama talaga iyon ng kumpanya." "A-Ano ba ang posisyon no'n dahil kung makahamak ay parang nangungutang ako ng bigas sa kanya?" "Kinakapatid daw 'yon ni CEO. 'Yon ang nagbabantay ng mga files ng kumpanya na naka-vault. Si Miss Vanessa Delgado." "Kaya pala," masama ang loob na sambit niya, "Kaya pala malakas ang loob na mang-insulto. Siya nga ang nagdesisyon na bawal akong makipag-usap sa CEO." "Pero pinagbigyan ka mismo ng CEO," nakangiti na sabi ni Elijah. "Magpasalamat tayo sa Diyos dahil makakausap mo ang CEO at maipapaliwanag mo ang sarili mo, Farrah. Sana ay maging makatao naman siya at pakinggan ka, at paniwalaan," sabi naman ng kanyang ninang Ofel. "Opo, ninang. Dasal ko rin po. Ayaw kong magkaroon ako ng masamang record. Mag-aalala pa po si Mama kapag nalaman ito. Ninang, 'wag niyo pong sasabihin." Umiling si Ofel, "Hindi ko sasabihin. Sasabihin ko ay kapag maayos ang kinalabasan ng pakikipag-usap mo. Doon ko lang sasabihin sa Mama mo. Sana ay ganoon ang mangyari para hindi ka naman masira sa trabaho. Lintik naman na babae 'yan. Tagapagbantay ng vault tapos burara!" "Exactly, mudra!" Mabilis naman na sang-ayon ni Eli sa ina. Mula pa kaninang umaga nang umuwi siya ay hindi na siya makakain nang maayos. Nag-aalala siya na sobra sa magiging paghaharap nila ng CEO bukas ng umaga. Sampung minuto lang ang magiging pag-uusap nila, hindi na hihigit pa roon dahil mas higit pa raw sa ginto ang oras ni Mister Periera. Sana maman sa sampung minuto na iyon ay bigyan siya ng de makinilyang dila para mabilis siyang magsalita. "Kumain na kayong magkapatid ha at magpahinga na. Magdasal bago matulog. Mag-ti-chat pa kami ng Mama mo, Farrah," paalam ni Ofel sa kanila kaya napangiti naman siya kahit paano. "Pakisabi po kay Mama na kumain mabuti, ninang. At pakisabi po na miss ko na siya." "Naku, araw-araw kong sinasabi, anak." She smiled. Si Eli naman ay nagsasandok na ng pagkain nilang dalawa. Mabuti na lang ay napakabait ng mag-ina sa kanya, na dinadamayan siya sa lahat. Si Eli ay bini-baby siya na sobra. Kahit sa trabaho ay hinahanap pa siya nito tuwing tanghali para sabay silang kumain. Maayos naman sana ang lahat kaya lang dumating ang pangyayaring ito na nagpapasakit na sobra sa ulo niya. "Kumain ka nang marami ha para may lakas kang humarap kay CEO. Aba, hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na makaharap siya. Kahit ba sabihin na pambibintang ang dahilan, aaaay, grab the chance!" Mahinang tili nito kaya napapangiti na lang siya. "Bakit, Ate Eli?" "Ay naku, napakagandang lalaki ng CEO. Hindi siya nagpapakodak pero minsan ko siyang nakita na dumaan sa lobby. Jusko, muntik malaglag ang pustiso ko sa kagwapuhan ng buhok niya." Anitong natutop ang mga pisngi pero natawa na talaga si Helena. "Gwapong buhok? Meron ba no'n?" "Aba, meron, si CEO!" Lalong napalakas ang pagtawa niya. "Tingnan mo na lang bukas. Baka malaglag ang ngipin mo kahit hindi pustiso," natatawa din nitong sabi sa kanya, "Kumain ka na nga. Masyado tayong comedy. But seriously, sis, bukas ay ipaliwanag mo nang maayos kay CEO ang nangyari. Huwag kang aalis doon na hindi ka wagi, kahit kaladkarin ka pa nila papalabas ng office." "Ang brutal naman no'n, 'te. Masama ba ugali ng CEO?" "Hmnn," nag-isip ito, "wala naman ganoong balita sa kanya liban sa ilang naririnig ko na babaero raw na sobra." "E malamang kasi sabi mo ay gwapo ang buhok. Mapera pa." "Trulala!" Sinipat siya nito kaya ganoon na lang ang pag-atras ng ulo niya, "O, bakit ganyan kang makatingin?" "Mag-make up ka bukas nang maganda ha. Iyong pang Miss Philippine Airlines ang datingan." "Diyos ko, Ate naman, ayaw ko. Baka ihulog lang ako no'n sa kanal. Saka baka iyong ama ang nandoon." "Kailangan mong magpa-appeal para maakit siya sa iyo, tapos wagi ka na." "Ayoko basta," ingos ng dalaga. Pakiramdam niya rito ay bata siya dahil doon sa asyenda, pakiramdam niya ay ang tanda niya at hindi siya makahinga. ANG ayoko basta na sabi niya kay Elijah ay nauwi sa isang oras na pananalamin. Kuntodo ayos siya tulad ng suhesyon ng baklang kinakapatid, pero binura rin niya at ibinalik lang ang simpleng ayos niya. Mahirap na mapulaan siya na trying hard na akitin ang CEO dahil hamak lang naman siyang operator ng elevator. Kinse minutos ang biyahe mula sa bahay papunta sa trabaho kaya lumarga siya nang makita niya na trenta minutos na lang bago mag alas diyes. Ini-lock na lang niya ang pinto nang umalis siya dahil namamalengke na ang ninang Ofel niya. "If I were you, I would rather file a resignation than waste the CEO's time," iyon ang masakit na payo sa kanya ng head ng HR. Ang sabi ni Elijah, baguhan lang din naman ito dahil promoted na as kanang kamay ng CEO si Mister Donatello. Iyon na raw ang sekretaryo ni Mister Perriera. Nagtataka nga siya kung bakit lalaking matanda ang secretary pero balita ay babaero. Hindi ba dapat ay babae? Who cares anyway? Wala rin siyang pakialam doon. She is just an ordinary employee. "Sinong nagsabi na magsasayang ang CEO ng oras?" Boses iyon mula sa kung saan kaya nanlaki ang mga mata ni Rey. She saw a thin, tall man, wearing eyes glasses, not to mention that he is bald. “S-Sir Donatello,” magalang na sambit ni Rey. Ewan ba ni Helena kung bakit sa dami ng inaplayan niya, iisa ang karakas ng mga head ng HR. Mga akala mo ay siya ang may-ari ng kumpanya kung makamata sa aplikante. Mayroon pa siyang na-aplayan na pati na Crypto currency ay nadamay pa sa interview. Wala naman siyang alam doon. “Anong karapatan mong magsalita tungkol sa CEO, na parang ikaw siya? He granted the request for Miss Buenavista to talk to him personally. Sir Iggy is fair. Kung may bersyon ang kabila tungkol sa nangyari, kailangan niya rin pakinggan ang isa, bagay na hindi mo ginawa bilang head ng department ng Human Resources.” Hindi makaimik si Rey. Wala rin siyang imik hanggang sa tingnan siya ni Donatello. “Let’s go, Miss.” Tumango kaagad siya, “O-Opo, Sir.” Tahimik siyang humakbang at walang lingon na iniwan si Rey. Sa loob ng elevator ay tuwid lang siyang nakatayo. Bahagya pa siyang nilingon ng lalaki at nginitian. The secretary is approachable and fair, at least iyon ang first impression niya. “Takot ka ba?” Tanong nito, “Nakikita ko sa mukha mo ang kaba.” “This is a diamond mining company, Sir, at haharapin ko po ang may-ari lang naman,” ngiwi niya kaya medyo natawa ito, “at alam ko po na magnanakaw at spy ang tingin nila sa akin.” “The CEO is not what you think he is. Believe me.” Tumango siya at humugot nang malalim na hinga. Sana nga. Sana nga ay hindi iyon tulad ng iniisip niyang uri ng CEO na mayabang at naninigaw. Ano ba naman ang laban niya sa isang kinakapatid? Sana ay paniwalaan siya ni Mistrer Perriera na hindi naman niya sadyang nakawin iyon, lalo pa at may sinasabi na shutdown ang linya ng mga CCTV ng araw na iyon dahil sa electrical problem. “Pinag-uusapan na nga po nila ako, Sir. Naniniwala po sila na ninakaw ko ‘yon para ibigay sa kalaban na kumpanya ni Mister CEO.” “You will only listen to what the CEO is going to say, not to those ordinary employees. Kaparehas ka lang nila. Kaparehas lang kita. Kung may dapat man ditong pakinggan, ang may-ari lang. You get me?” Tumango siya kahit alanganin. “Kaya ayaw ko sana na mag-hire ng mga hindi pa graduate, kalimitan ay aapihin lang pero gusto ni Sir na mga tulad niyo ang i-hire ko kasi 40 katao ang nag-AWOL ng linggong iyon, and those were all graduates. Binago niya ang sistema dahil nabwisit siya. Sinunod ko ang gusto niya pero heto ang nangyari. Ang isa sa mga na-hired ay napagbibintangan na spy ng kalaban.” Bumukas ang elevator. Mabangong amoy ng floor building ang kanyang naamoy. The floor is so spacious. Walang mga tao roon. The place is so quiet. May mahabang mesa na pang 32 katao siguro ang pwedeng maka-okupa. May itim na sofa. “Maupo ka na muna, Miss Buenavista.” Minuwestra ni Dinatello ang sofa sa kanya pero sa halip na maupo kaagad siya ay hinintay niya itong makalapit sa pinto ng opisina. Nang buksan nito iyon matapos na mag-buzzer ay kandahaba ang leeg niya na maaninag man lang niya kahit ang sinasabi ni Elijah na poging dulo ng buhok ng CEO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD