Chapter 4

1604 Words
Chapter 4 ALANGANIN ang ngiti ni Helena nang siya ay lumapit sa kanyang ninang Ofel. Naghahanda ito ng umagahan nila, at dahil tatlong linggo na siya ritong nakatanga, pakiramdam niya ay pabigat na siya na sobra. Wala siyang maiambag. Noong kadarating pa lang niya ay nagbigay naman siya ng pambili ng pagkain, galing sa ipon ng nanay niya sa pagpapakatulong. Iyon ang ipinadala sa kanya ni Lara bago siya umalis papuntang Maynila. Pinutol niya ang komunikasyon sa Mama niya. Why? Siguradong babantayan ni Ricardo ang mga kilos ng kanyang ina. Natatakot siya na baka siya ay matunton. She doesn't want to help those kind of people. Hindi siya pagagamit sa mga Vergara. She was not born just to be a puppet. Kahit na mahirap sila, walang pwedeng magpaikot sa kanila. Kung may maganda man na naidulot ang lahat ng ito, iyon ay ang turuan siya na maging matapang at huwag ang maging sunud-sunuran. "Ninang..." mahina at nahihiya na tawag ni Helena sa ninang niya. Lumingon kaagad si Ofel at ngumiti sa kanya, "Gising ka na pala. Kain na. Nasa banyo pa si Elijah at naliligo. Alam mo naman ang bakla na 'yon kulang na lang matanggal ang Epedermis sa tagal ng pagkuskos." She softly giggled, "Nahihiya na po ako, ninang. Wala pa po akong nakukuhang trabaho e mag-i-isang buwan na po ako dito sa inyo ni Kuya Eli." Narinig niya ang pagtunog ng bisagra, "Kuya Eli ka diyan. Ate Eli. Tigil-tigilan mo nga 'yang sinasabi mong shyness. It's okay for you to stay here. Pasasaan ba at magkaka-interview ka rin. Hindi pa tapos ang acceptance ng applicants sa PDMC. May pag-asa ka pa na mapili at makasama sa sasabak sa interview. If nganga, gora sa ibang job hiring. Hindi ba, mudrakels?" Lumapit ito habang nakatapis ng twalya. Inayos ni Elijah ang buhok niya sa may mukha. "Huwag kang mahiya sa amin ni Nanay. Kahit wala kang ambag, walang problema. Parang magkapatid ang mga magulang natin kaya parang anak ka na rin ni mudra." "Tama siya, Farrah. Kaya nga ako lang ang ninang na kinuha ng Nanay mo dahil sa seminar, sabi ay iyong kaya ang obligasyon na tumayong magulang sa batang aanakin. Alam ko ang tungkulin ko bilang ninang mo. At saka, alam ko na kung si Eli man ang mapunta sa sitwasyon mo, ganito rin ang gagawin ng Mama mo sa kanya. Kumain ka nang mabuti at hiwah kang mag-isip ng kahit na ano. Dumito ka hangga't gusto mo kahit na hindi ka magkaroon ng trabaho. Maupo na. Tama na ang pagdagdag ng stress sa buhay mo. Napakabata mo pa." Binalikan ni Ofel ang inihahanda. "At napakaganda. Hay naku, kung ako nabiyayaan ng ganyan na kagandahan, patay sa akin ang mga mayamang gurang. Chariz!" Tumatawa na sabi nito. "Magbibihis na ako. Aalamin ko na kung ano na ang balita sa mga aplikante bilang elevator girl. Basta huwag ka ng mag-alala ha. Magkakatrabaho ka rin." "Salamat, kuy- ate pala." "Sige na. Kumain ka na para hindi ka malosyang. Malay mo ay magkagusto sa iyo ang CEO. Ayy! Bongga, ikaw ang mag-aahon sa amin ni mudra sa kahirapan." Natawa siya dahil nakatingala ito sa kisame at parang totoong bagay ang sinasabi. Ngingiti-ngiti naman si Ofel sa sinabi ng anak, "Hay, magdilang-anghel ka Elijah." "Kaya lang ay babaero raw si CEO kaya huwag na doon," simangot din ng bakla niyang kinakapatid bago pumanhik sa maliit na hagdan. Iiling-iling naman si Ofel na nakangiti. "Sira ulo talaga ang batang 'yan. May pagka-tsismosa rin talaga, pero parehas kami ng Mama mo na maswerte sa kaisa-isang anak. Ikaw, alam ko na kung hindi ka nagkaproblema sa mga Vergara ay hindi ka naman aalis." Tumango siya, "Masakit po sa loob ko, ninang na iwan si Mama." "Magkakasama rin kayo balang araw, anak. Huwag kang gaanong mag-isip dahil maayos naman ang Mama mo." "Opo." Mas pinili kasi ng nanay niya na magpaiwan para maging mata roon. Si Ofel ang daan para magkausap sila. The Vergaras didn't know about her ninang Ofel. Walang magsususpetsa na ito ang kumukupkop sa kanya. Nang umalis si Elijah para magtrabaho ay muling nakaramdam ng lungkot si Helena. Nakapag-enroll nga naman siya pero wala naman siyang ipantutustos sa sarili niyang gastusin. Ano pa ang silbi? Wala na rin naman iyon pag-asa. May pag-asa. Bulong niya sa sarili. Bakit siya mawawalan ng pag-asa? She made it to Manila. Malaking pag-asa na iyon na nakarating siya sa ninang niya na matiwasay, at nakatakas siya sa ilalim ng mga interes ng mag-lolo. Tumalikod siya sa bintana at eksakto nang humarap siya ay nakita niyang umiilaw ang kanyang cellphone. Agad niya iyong nilapitan at nakita niyang may text. Nagmamadali na binuksan ni Helena ang mensahe. It was a message from an unknown number. Thank you for your application for the elevator operator role. We would like to invite you to an interview to discuss your qualifications further. Malakas na napatili si Helena matapos na mabasa ang message. Agad siyang nagtatalon at halos umuga ang kahoy na sahig ng kwarto. "Ninang Ofel, may interview na po ako!" Masayang sigaw niya habang papalabas ng kwarto. Nakangiti naman na nabungaran niya si Ofel sa may sala. "Narinig ko na nga ang malakas mong tili," natatawa nitong sabi, "Saang kumpanya ka may interview?" "Doon po kay Kuya Eli, Ate Eli pala." "Ay mabuti. Siguradong maha-hire ka roon. Mabait sa mga gustong mag-working student ang kumpanya na iyon. Sana ay palarin ka, anak nang makapasok ka para hindi ka na rin naiinip dito sa bahay." "Sana nga po, ninang para makatulong po ako sa inyo at sa Mama." "Sus, huwag mo nga kaming isipin. Ang isipin mo ay kayo ni mare. Anong oras ba iyang interview mo?" Tanong nito sa dalaga. "Alas diyes po." "Ha? Ang bilis naman! Mag-asikaso ka na at isang oras na lang mahigit ay alas diyes na." "Opo, ninang. Naligo na naman po ako kanina paglaba ko kaya magpapalit na lang ako ng damit." Masaya siyang pumanhik ulit sa itaas, puno ng pag-asa ang dibdib niya na makukuha niya ang trabahong ito ngayon. Sana ay ipagkaloob sa kanya ng Diyos... NAPALUNOK si Farrah Helena pagkakita sa USB na kinuha ng isang babae sa kanyang bag. Nakatulala siya at hindi makapagsalita. Daig pa niya ang adik na dadakpin sa isang buy bust operation. Ano ba ang nangyayari? "We found it," bulong ng isang lalaki sa radyo na hawak. "She's a thief!" Duro sa kanya ng babae kaya nanlaki ang mga mata niya. "H-Hindi ko po alam 'yan," malakas na tanggi naman ng dalaga sabay iling. Patuloy ang lalaki sa pakikipag-usap sa radyo habang ang babae naman na pinagbibintangan siya na magnanakaw ay patuloy din sa pagdaldal sa kanya. "Anong hindi mo alam? Paano ito mapupunta sa bag mo kung hindi mo alam? This is your bag, right?" Naiiyak siyang tumango. "Do you know how important this is? So, tell me paano ito napunta sa iyo? You stole this. You're a spy!" Bulyaw ng babae sa kanya kaya umiling naman siya. "Diyos ko. Hindi po ako spy." Nag-aalala na sagot niya kahit na lumilipad na ang utak niya. Totoo na siya ang naglagay ng usb na iyon sa bag niya. Ibibigay niya sana iyon sa lost and found section pero dahil sa pagmamadali niya na makauwi dahil nilalagnat ang ninang Ofel niya ay hindi na siya nakadaan sa opisina ng LF. Ngayon, kinakaharap niya ang isang mabigat na bintang na ninakaw niya iyon kahit na hindi naman. Ni hindi nga niya alam kung kanino iyon, at mas lalong hindi niya alam kung paano iyon napunta sa bulsa ng suot niyang uniform noong isang araw. Nakita na lang niya iyon nang mag-check siya ng mga bulsa bago niya labhan ang mga damit. At ngayon, kapahamakan ang dala sa kanya ng usb na iyon na siguro ay mga importanteng files ang laman. Siguro, ang kausap ng lalaki sa radyo ay ang may-ari ng usb. "Miss Buenavista, let's go. We have to talk," the HR head told her. Nagbabadya ang mga luha niyang pumatak nang lingunin niya ang lalaki. Kung hindi lang siguro siya nag-iisip nang maayos, mag-eskandalo na siya rito, pero hindi. Kailangan niyang paganahin ang isip niya, iyong tama para magawa pa rin niya ang tama. This is not the right place to explain herself. She will not let these people accuse her of a certain crime she didn't commit. Kahit na nasa elevator lang siya bilang isang elevator girl, at nagbabadya ang pagkatanggal sa oras na mapalitan na lahat ng elevators ng automated elevators, kailangan pa rin niyang protektahan ang kanyang sarili at huwag hayaan ang mga ito na apakan ang pagkatao niya dahil sa baba ng kanyang trabaho. Ganoon na ang kanyang naging buhay sa hacienda Vergara, hanggang dito ba naman ay magiging tau-tauhan pa rin siya? Hindi siya i pinag buntis ng Mama niya ng siyam na buwan ay ini-iri sa mundong ito para lang maging ganoon. She has dreams, and if people will continue to mock her and ruin her reputation, ano na lang ang mangyayari sa kanya. "I demand to talk to the CEO, sir Rey," matigas na sambit ni Helena. Napatanga sa kanya ang lahat tapos ay tumawa ang babaeng mukhang executive. "You?" Inararo siya nito ng tingin, "an elevator operator will talk to the CEO? He doesn't talk to people like you. Masyado kang mababa para iharap sa kanya. Kahit na sa ga tuldok na mina ng diyamante niya ay hindi pa sasapat ang pagkatao mo kahit na i times ten pa." "Hindi ikaw ang magdedesisyon dito. Hindi ka rin naman CEO." Nakataas ang noo na sagot ni Helena kahit na buo ang mga luha niya sa mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD