Kabanata 30 OUT OF TOWN, na halos nasa kwarenta minutos na byahe ang pinuntahan nina Iggy at Helena. He feels so victorious, knowing that his father really believed the show. Kahit na kailan ay mas mautak pa rin siya sa kanyang ama talaga. Napaniwala niya iyon na seryoso siya kay Helena, at hindi na siya makapaghintay na dumating ang half-brother niya at mapagmalakihan niya. Losers will never ever be victorious as long as he's alive. And as repayment, he'll be gentle and kind to Helena. Iisang babae pa lang ang pinakitaan niya ng ganoon, at dahil si Helena ang susi sa kanyang tagumpay, marapat lang na pakitaan niya ito ng kabutihan, tulad ng ipinakita niya kay Winona. Kahit na ang ibalik man ni Helena sa kanya ay kabiguan sa huli, walang problema. Wala silang commitment na seryoso, unli

