JOSHUA POV Damn... Kung gaano niya kabilis nakilala si Ashley ganon din ito kabilis nawala. Isang linggo na niya itong hindi nakikita. Lumipat na ito ng tirahan at higit sa lahat hindi niya ito macontact. Ininom ni Joshua ang kanyang rum deplomatico ambassador. Ito ang pinakamahal na rum sa bar ng kanyang kuya Miguel His brother owned the most popular bar in the Philippines. Nandito siya kapag gusto niyang magpakalunod sa alak. Dahil sigurado siyang safe siya kahit malasing siya ng todo. And tonight he wants to be wasted "Damn it.." Muli niyang mura sa kanyang sarili. Naiinis kasi siya dahil apektado siya ng isang babaeng kakakilala niya palang He can't believe her. Bakit ito lumayo sakanya? Ganoon ba siya nito kadisgusto? Hindi siya makapaniwala na iniwasan siya nito. Siya