Nililigpit ni Ashley ang kanyang mga gamit sa kanyang office desk. Halos isang linggo na siyang nagtatrabaho sa opisina ni Mayor legazpi. Nang malaman kasi nitong nagparetoke na siya ng mukha agad siyang inalok nito na manilbihan sa city hall. Nahihirapan daw kasi ito dahil home based lamang siya. Mas mabuti raw na sa personal sila nag-uusap. Wala siyang magawa kundi pumayag. Kahit hindi pa siya handang makisalumuha sa mga tao. Hindi niya kayang tangihan si mayor dahil ito ang nagpaaral sakanya at nag bigay ng trabaho. Kung wala ito paniguradong walang pupuntahan ang buhay niya dahil walang paaralan ang gustong tumangap sakanya noong bata pa lamang siya. Paano pa kaya sa trabaho? "Hi Ashley. Nag over time ka din pala?" Napalingon siya kay Rowel. Katrabaho niya ito sa opisina ni May