Unang pagkikita ko pa lang kay Mia, ramdam ko nang may kakaiba sa kaniya.
I mean... ramdam ko na may malaking bagay siyang tinatago.
Gosh, saan ka naman kasi nakakita ng isang mala-dyosang babae na magpapa-ampon sa isang middle class na pamilya? At dito pa talaga sa Pilipinas? Plus, lahat ng kagamitan n'ya ay galing sa sikat na branded names.
Gusto ko mang mag-usisa at magtanong sa Nanay at Tatay ko pero alam ko namang wala ako sa lugar para magtanong ng personal na buhay ng iba. Saka hindi naman ako pinalaking nanghihimasok sa buhay ng iba.
Pero ngayong opisyal na kapatid ko na talaga si Mia, iyong kagustuhan kong makilala pa siya na pinili ko na lang ibaon sa kaibuturan ng puso ko noon ay nabuhay muli. Lalo na nang maramdaman ko na nang mas nagiging malapit pa kami sa isa't isa.
Malaking impact iyong pagtulong n'ya sa akin, yes. Dahil hindi ko naman 'yon inaasahan sa kaniya, given na napaka aloof n'ya at feel ko talaga na ang taas-taas ng pader na itinayo n'ya para sa sarili n'ya.
But what I didn't expect is when she said those things to me. Iyong tinuturing n'ya pala akong pamilya. At iyon naman ang pinaka unang beses kong naramdaman kung paano ba magkaroon ng isang kapatid at kaibigan at the same time.
Yes, I have friends. Especially at work. But we only treated each other as workmates. Nothing more, nothing less. I also have friends in school, but most of them are plastic anyway. Nandiyan lang sila kapag may mga kailangan sila.
Not to split hairs kasi pero malakas ang hatak ko sa loob ng University na pinapasukan namin and it's all because of my current job.
Ang trabaho kong somehow, hindi ako proud but it does give me an opportunity and it pays the bills.
When Mia asked me for a job, there was a reason why I didn't open the door for her in my current job. Instead, ipinasok ko na lang ito sa alam kong trabahong alam at matatawag kong marangal.
Well, marangal naman ang trabaho ko. Sort of? Dahil kung sa ibang bansa na free country? Oo, marangal ito. Pero ang bansang sinilangan ko ay kahit pa unti-unti nang nagiging open minded ang mga tao, matuturing pa rin itong isang konserbatibong bansa.
Pero kahit gano'n pa man, gusto ko pa ring mag-share kay Mia patungkol dito dahil sa kaniya, I felt like a human again.
Ang tingin kasi ng iba sa amin ay mga salot sa lipunan kahit pa marangal naman ang trabaho namin.
Wala pa kasi akong napagsasabihan about dito sa trabaho ko dahil natatakot akong mahusgahan and worse, baka makarating pa ito sa Nanay at Tatay ko. Iyon talaga ang pinaka-kinakatakutan kong mangyari.
Kagat-kagat ang aking hintuturong daliri, pinagmasdan ko nang maigi si Mia habang ito ay busy-ing-busy sa pagre-review sa nalalapit naming long quiz mamayang hapon.
Naramdaman n'ya atang may nakatitig sa kaniya kaya napatingin s'ya sa akin at bahagyang itinaas ang kaniyang perfectly shaved eyebrow.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" she asked as she consciously brushed her cheeks and nose with her thumb.
I fervently shook my head and waved my hands. "A-ah wala!" sagot ko.
Mas lalo naman akong tinaasan ng kilay nito. "Okay? You looked nervous? May gusto ka bang sabihin?"
Napalunok ako ng tatlong beses at nag-iwas ng tingin. "Ah, eh, m-meron sana..."
'Kita ko sa peripheral view ko na ibinaba na n'ya ang hawak nitong reviewer.
"Okay, you know that you can tell me everything, right? Just shoot. Anong gusto mong sabihin? Dali, makikinig ako."
Huminga ako nang malalim at bubwelo pa lang ako para sabihin ito sa kaniya nang umalingasaw na ang tunog ng bell hudyat na tapos na ang lunchtime namin.
Wow. Great timing...
I rolled my eyes in annoyance while Mia let out a tiny chuckle.
Niligpit na nito ang mga nagkalat nitong papel at notebooks saka ako nito tinapik sa balikat.
"You can tell me later, sis."
***
"Handa ka na?" bulong sa akin ni Mia habang naglalakad kami papasok ng classroom.
Nahigit ang hininga ko at nagsimula nang kumabog nang malakas ang dibdib ko sa pagkakakita sa classroom namin dahil naka-one seat apart na ang mga single chair desk namin.
"Relax, makakapasa tayo. Nag-review tayo pareho kagabi, 'di ba?" pagpapalakas loob pa sa akin ni Mia.
Lumunok ako nang mariin saka wala sa sariling tumango-tango.
Nag-review naman ako. Ni-review ako ni Mia kagabi sa bahay pero kapag kasi inatake na ako ng kaba, nakakalimutan ko lahat ng napag-aralan ko.
Pagka-pasok namin sa classroom, isa-isa kaming tinawag ng proof namin at pinaupo sa ginawa niyang sitting arrangement at napabulong ako ng mura nang una niyang tinawag si Mia sa akin at inilagay pa ito sa unang row at ako naman ay nasa pangalawa, at hindi pa kami magka-tapat ng upuan dahil sa second row ay ako ang unang-una.
Shit... laking pasasalamat ko talaga at wala akong kliyente kagabi dahil panigurado, bagsak ako sa long quiz naming ito. Laking pasasalamat ko rin at kahit papaano ay nakapag-review ako.
Pero ang iniisip ko lang, paano ako kapag na-mental block? s**t! H'wag naman sana, Lord! Ang layo pa naman ni Mia sa akin!
Palihim ko itong sinulyapan sa bandang likuran ko dahil nasa bandang gitna s'ya ng first row.
Nginitian ako nito at nag-signahe ng fighting! katulad ng nasa korean movies na napapanood namin kapag chill time namin sa bahay.
Napangiti na rin ako at kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag.
"Okay, class, please settle down and face in front. I am going to give you the test papers now. Reminders, wrong spelling is wrong, no erasures, read the instructions carefully and last but not the least, only use black ballpen. Good luck." saad ng strikto naming babaeng professor na iisa lang ang style ng buhok for years.
Ang tagal ko na rito sa University pero hindi pa rin n'ya nababago ang hairstyle man nito na pang 80's pa ang pagka-bun ng buhok plus naka-salamin na ipinamana pa ata sa kaniya ni Miss Minchin.
Gosh, kaya walang asawa dahil sa taglay nitong kasungitan at lalo sa taas ng standards n'ya eh. Pati ba naman sa no erasures ay wala pa rin itong patawad? Gosh! Grabihan lang.
Nang matanggap ko ang long bond paper na may pages ng tatlo, I scan each pages and ended up in disappointment nang wala ni isa akong nakitang multiple choice sa quiz naming ito. Fill in the blanks, enumeration at ang pinaka-hate ko sa lahat ay essay pa ang pang huli.
Iyong totoo? Minsan nagtataka na ako kung pag-aabogasya ba ang pinasukan ko at hindi nursing eh.
Napagulo tuloy ako sa buhok ko sa sobrang frustration.
"Is there any problem, Miss Luna?" the professor suddenly addressed me.
Since I am not the only Luna here, ang unang sumagot ay si Mia. Which kinda confuses me when her usually confident voice is now a shaky one. Kaya talagang napatingin ako sa kinalalagyan nito.
"A-ahm, y-yes, Ma'am. Everything is fine." she cleared her throat at the end of her sentence.
She knows that I'm staring at her right now but she didn't even give me a look which weirded me out. She's not usually like this. There's something going on with her right now.
"Oh no, not you, Mia. I'm actually talking with your sister, Carla. Because she seems a little frustrated, aren't you, Carla?" sarkastikong sambit ng aming professor.
Pero wala na roon ang atensyon ko kundi nasa kapatid ko na pinagmamasdan ko pa rin ngayon kung ano ba ang maaring maging problema para magka-gano'n s'ya. Dahil never nagpakita ng kahit anong kahinaan ito sa lahat. She always keeps her cool.
"Carla, tinanong kita?" pagalit nang tanong ng aming masungit na professor dahil hindi ko pa rin ito pinapansin.
Pero ngayon, parang takot na takot na si Mia at sa iilang saglit na pinagmamasdan ko ito, nalaman ko rin ang dahilan kung bakit ito takot na takot and she really looked so uncomfortable when the guy at her back keeps on poking her shoulder. Pansin ko ring inilapit pa ng blockmate naming lalaki na kilalang-kilala ko as one of the famous rookies of our basketball team in the university.
Hindi ko alam kung ano bang tinatanong nito kay Mia pero mukhang maiiyak na ang kapatid ko kaya hindi na ako nakapagtiis kaya kahit tinatanong na ako at galit na ang professor ko sa 'kin ngayon, hindi ko pa rin ito pinansin and instead stood up from my seat at hindi na nag-dalawang isip na sugurin si Kent.
"Hey! Tigilan mo ang pangungulit mo sa kapatid ko!" Sigaw ko rito saka ko pinalipit ang kamay nitong pilit sa pagsundot sa balikat ni Mia.
Kent then grunt in so much pain while half of the class laugh at him. Ang professor naman namin ay sumisigaw na ngayon sa amin at dali-dali kaming inawat.
Kent being the egotistical man as he is, he was going to punch me when some of our blockmates plus our professor pulled him back.
"Kent! Carla! Tama na!"
"Eh s'ya ang nauna, Ma'am eh! 'Kita n'yo naman na pinalipit nito ang kamay ko. Pwede akong hindi na makalaro sa b-league sa ginawa n'yan!"
Imbis na matakot ako, hinamon ko pa ito. As if naman magpapatalo ako sa isang tulad n'ya dahil isa akong babae. No freaking way!
He practically assaulted my sister, so I won't just be okay with what he does to her!
"Oh ano naman ngayon kung hindi ka makalaro? Bakit? Worried ka ba na paglalaro lang ng basketball ang kaya mong gawin para lang makapasa ka sa course natin? Actually kulang pa nga 'yan eh dahil tingnan mo nga ang ginawa mo sa kapatid ko?" I heatedly spat at him.
Feeling ko lahat ng organs sa katawan ko ay kumukulo na ngayon, lalong-lalo na ang balat ko sa sobrang galit sa hambog na lalaking 'to! S'ya pa ang may balak na magsabi ng gano'n? Well in fact s'ya itong nagsimula ng gulo. Letse s'ya!
"Wala akong ginagawa sa kaniyang masama!" Galit na sigaw nito. Namumula na rin ang buong mukha nito.
"Anong wala! Kitang-kita ko kung paano mo kulitin si Mia habang ito'y nanahimik lang! At talagang iniusog mo pa ang mesa at upuan mo sa kaniya. Para ano? Para magtanong ng mga sagot sa exam?"
Bigla itong natahimik saglit pero naging defensive rin nang mag-cross arms sa kaniya ang professor namin.
"Wala kang proweba! At saka paano mo naman nasabi na malapit ako sa kaniya? Ah! Baka ikaw siguro ang tumitingin sa kaniya para makahingi ka ng sagot sa mga questions sa test papers. Because let's face it, between us? You are the brainless."
Sukat doon ay bigla na lang nag-sway ang kamay ko patungo sa makapal niyang pagmumukha at doon na mas lalong nagkagulo.
Isang oras at kalahati ang lumipas... kahit medyo nagulo ang uniform at buhok ko gawa ng mga umawat, may victory smile pa ring naglalaro sa aking mga labi kahit nandito kami ngayon sa labas ng Dean's office dahil iyong hambog na si Kent ay kasalukuyang iniimbestigahan sa loob ng Dean's office.
Sumisipol ako habang naka-crossed legs dahil sa pride at lalo naman sa proud na nararamdaman ko sa sarili ko.
Why? Dahil halos kalbuhin ko na kasi si Kent kanina. Dinaig pa nito ang na-cat fight.
Huh! Akala niya na 'di porket babae ako ay may karapatan na siyang maliitin ako at mas lalo namang i-harass ng gano'n ang kapatid ko. No freaking way! Hinding-hindi ako papayag sa gano'n.
But speaking of my sister... natigilan ako sa pagsipol nang hanggang ngayon ay tahimik pa rin ito.
Hindi na ako nakatiis kaya naman umusog ako ng upo sa kaniya at ito'y tinanong. "Huy! Kanina ka pa walang kibo riyan, naapektuhan ka pa rin ba ng nangyari kanina?" malumanay kong sabi habang ito'y pinagmamasdan.
She's still shaking, at pansin ko rin na kanina pa n'ya kinukutkot ang kuko nito. A few signs and symptoms of the people with anxiety...
Thinking about that makes things more clear for me this time.
"'Yong nangyari kay Kent kanina, may traumatic experience ka from the past, 'no? Especially with... abusive men perhaps?" I guess.
Sukat doon ay nag-angat ito ng tingin sa akin dahilan para makita ko ang isang bagay na never kong nakita sa mga mata n'ya noon.
Fear...
Napatango-tango ako. "Mia, anong nangyari?" halo-halong pag-alala, awa, at pagkalugmok ang naramdaman ko nang itanong ko 'yon sa kaniya.
She's now teary eyed. Halatang hindi na nito napigilan ang kaniyang nararamdaman. Feeling ko ay hi-na-hunt back s'ya ng nakaraan n'ya ngayon kaya ganito na lang s'ya maka-react ngayon.
"Back when I'm from, my, uh—let's just say this certain man... he almost killed me nang dahil sa hindi lang n'ya nakuha ang pinaka-asam-asam nito mula sa akin,"
"Sarili mo," wala sa sariling bulong ko.
Sinulyapan muna ako nito bago nahihiyang napayuko sabay tango ng kaniyang ulo.
"Yes,"
I chewed the inside of my cheeks. Hard. In able to restrain myself from crying. Because gosh... I can't imagine what she's been through.
"Mia..." bulong ko saka mahigpit na hinawakan ang kamay nito.
"Nang dahil sa trauma kong 'yon, kapag lalapit o lalo na kapag hahawakan ako ng lalaki, nagpa-panic na agad ako. It always brings me back from that time when I almost got killed." Umiiyak na s'ya ngayon.
Kaya hindi ko na siyang muli pang hinayaan na makapag-salita pa dahil kaagad ko na siyang hinila para yakapin nang mahigpit.
"Shh. Don't worry dahil mula ngayon, hanggat naririto ako sa mundo, hindi ko hahayaan na may lalaki pang babastos o gagawa pa sa 'yo nang gano'n, Mia." determinadong sabi ko habang inaalo ko ito sa likod.
After naming mag-iyakan, habang nagpupunas kami ng aming mga luha, I feel like this is the right time to say this to her.
About my current job.
"Akala mo ba ikaw lang ay may ganyang tinatago. Meron din naman ako."
Umayos ng upo si Mia at tiningnan ako nang masinsinan. "What do you mean?"
"It's about my current job."
"What about it?"
Upon opening my mouth and when I was about to say something again, doon naman nagbukas ang pinto ng Dean's office. At kami naman ang pinatawag ni Dean for investigation.