CHAPTER 6: Girlfriend Company (Mia)

2810 Words
Days again after days, naging maayos na rin akong muli, plus nasasanay na rin ako sa working life kasabay ng pag-aaral ko. Na-ha-handle ko naman nang maayos ang maganda at simple kong buhay. Ang kinikita ko sa pag mo-modeling ay masasabi ko namang nakakapag-ipon naman ako nang maayos plus nakakatulong din ako sa gastusing bahay kahit pa sobrang pagtanggi ni Nanay Flor at Tatay Kiko. Pero syempre, I stand my ground for it at wala na rin naman silang nagawa kundi tanggapin ang binibigay ko. Ayoko namang makitira lang for free habang buhay sa kanila 'no? Hindi iyon kakayanin ng konsensya ko at kahit ini-spoil ako ng parents ko, hindi nila ako pinalaking greedy. Carla and I are also becoming more and more close, lalo na nang malaman n'ya ang tungkol sa trauma ko. Hindi na lang kami magkapatid ngayon kundi itinuturing na rin namin ang isa't isa bilang best friend na wala naman dapat sa plano kong mangyari. But as I've said, it's hard to put boundaries kung ang klase ng tao katulad ni Carla ang pepeste sa 'yo. Gosh! Napaka kulit! Actually, ilang buwan ko rin siyang iniiwasan at hindi madalas kinikibo habang patuloy lang naman ako sa pagtulong sa kaniya sa academics. But she manages to turn down my high boundary walls just by being her infuriatingly annoying self. Iyong bang wala ka na talagang magagawa kundi ang sumuko na lang? Gosh! Carla and her unusual annoying weird attitude. All is well for the past few months in our lives pero ang hindi inaasahan na mangyayari ay ang nagbigay sa amin ng matinding problema at pag-alala para sa taong parehong mahalaga sa amin ng best friend ko. Dahil habang nasa kalagitnaan kami ng aming pang hapon na klase, pareho kaming napatawag ni Carla sa Dean's office. Akala nga namin ay dahil ito sa naging gulo kay Kent pero hindi. Kundi doon isiniwalat sa amin ang magpapabago pa ng aming mga buhay, lalong-lalo na ng buhay ko. Because something unexpected happened to Tatay Kiko... Magkahawak kamay kaming dalawa ni Carla habang in-e-explain sa amin ni Dean Tamayo ang nangyaring aksidente kay Tatay Kiko habang ito'y nasa anihan kanina. "Ang sabi sa akin ng Nanay ninyo ay bigla na lang daw itong nawalan ng malay sa anihan kaninang hapon kaya kaagad nila itong dinala sa hospital natin at ang report naman sa akin ng Doctor ay may sakit daw ito sa bato at kailangan ng maagarang operasyon," malumanay nitong paliwanag sa amin. Kitang-kita rin ang lungkot sa mga mata n'ya habang ipinapaliwanag n'ya ito sa amin. Nagsimula nang mamawis ang aking mga palad at ramdam ko na rin pati mismo sa aking noo, pababa pa sa aking batok dahil sa sobrang kaba at pag-alala. "O-operasyon ho?" Utal na tanong ni Carla. Napalunok ako. "Initially, Dean, mga magkano aabutin ang magiging operasyon ni Tatay Kiko?" Napangiwi si Dean, at halatang nag-aalinlangan na sabihin ito sa amin. "His doctor said, aabot daw ito ng one fifty to two fifty thousand pesos..." Parehong nalaglag ang panga namin ni Carla sa aming narinig. Shit... saan kami hahanap at kukuha ng gano'ng kalaking pera? *** Hindi ko na alam kung ilang minuto o oras na ba akong nakatitig lang sa online banking account ko sa hawak-hawak kong cellphone habang naririto kami ni Carla sa waiting area ng hospital ng University namin. We were excused sa remaining classes namin for today but honestly, missing just one class is the least of my problems right now. Gosh, hindi na sasapat ang pera ko sa bangko para sa pagpapa-opera kay Tatay Kiko. Though, mabuti na lang at nakapag-bayad na ako ng buo sa tuition fee ko ngayong taon. Pero paano na ang sa susunod? In order for me to continue my studies, I need a double job. Or heck, three jobs at the same time. And there is only one person who can help me with that and she's now pacing back and forth in front of me nonstop. "Carla..." pagtawag ko rito pero patuloy pa rin ito sa kaniyang ginagawa. Hindi ito mapakali. At mukhang nakikinita ko na rin na ilang mga scenarios na ang tumatakbo sa isipan nito ngayon. Kagaya ko. "Carla, stop." I grabbed her hand then pulled her beside me. "Ano?" she asked in annoyance. I can also see the stress written all over her gorgeous morena face. "Kailangan ko ng tulong mo," panimula ko. "I need more job." dagdag ko pa bago pa ito makapag-salita dahil alam kong naiirita na ngayon ito. Kumunot ang noo nito. "Mia, may trabaho ka na. Kung dadagdagan mo pa 'yan, malaki ang possibility na hindi mo na matututukan ang pag-aaral mo," saad nito sa pagtutol na boses. I turn my head backward in frustration. "No. Kaya ko 'to. Saka gusto kong gawin ito para kay Tatay Kiko at Nanay Flor." pagmamatigas ko naman. Mariing umiling pa rin ito. "Mia, hindi. Ang laki na nga ng naitulong mo eh. Okay na ang perang ibinigay mo. Meron naman akong naipong pera sa bangko, kapag pinagsama ang iyo at akin, sasapat na 'yon para sa operasyon ni Tatay Kiko." Napapikit akong mariin na hinarap ito at pagkatapos ay tinitigan ito nang masinsinan sa mata. Hinawakan ko ito sa magkabilang braso. "I understand that. Pero hindi sapat ang exact amount lang because believe me or not, it's not gonna be enough. Because what if, may maging komplikasyon? Pero h'wag naman sana, but what if, oh? Saka paano rin ang mga magiging gamot pa nito? What if, i-recommend din s'ya for therapy or what not? Carla, I've been here before. And I am telling you right now that it's not gonna be enough. We need more money." mahabang paliwanag ko to make myself even more clear. I need her to understand this better. I mean, I get it, she's just concerned about me but I can't gamble with someone's life nang dahil lang sa pagiging komportable ko. I'm not going to do this again with the people I love. I already lost too many important people in my life. And I'm sure heck that I'm not gonna lose one again. Not again. "Teka, anong ibig mong sabihin na you've been here before? Sandali, sandali, i-explain mo nga ulit at please bagalan mo nang kaunti kasi ang bilis mong magsalita at english pa." Tumirik pa ang mga mata nito sa inis. Naningkit naman ang mga mata ko sa babaeng 'to. Talaga naman, oo. Wala na nga akong nagawa na in-explain sa kaniya ito ulit. Since she gained my trust and she's now one of the few people that I truly care about beyond life, I told her about my past. About what I experienced from losing my parents due to cancer. "Kaya, please! Tulungan mo na akong makahanap pa ng ibang trabaho para habang patuloy ang paggamot kay Tatay Kiko, at least patuloy pa rin tayong kumikita para matustusan ang pangangailangan natin." pangungulit ko pa rito pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang nangyari sa totoong mga magulang ko. 'Kita ko namang nag-iisip ito nang malalim. Maybe she's debating whether she's gonna help me find another job or what. Hindi na ako mapakali sa tagal niyang mag-isip. Feeling ko ay nasa edge ako ng matirik na bangin ngayon and I really hate this feeling— of waiting... "Carla!" Naiinip ko nang sigaw dahilan para mapatingin na sa gawi namin ang ibang taong kasama namin na nandito sa waiting area. I quickly said sorry to them as I shifted my eyes again to Carla. "H'wag mo 'kong i-pressure!" Mariin nitong igit sa nanlalaki na mata. "Nag-iisip ako kung ano eh!" "Nag-iisip ng ano?" Tinapunan naman ako nito ng tingin nang ubod ng pagka-seryoso. "Kung ipapasok ba kita sa mga dati kong trabaho na alam kong papatay sa katawan mo nang dahil sa sobrang kapaguran o ipapasok kita sa kasalukuyan kong trabaho ngayon pero mabubuhay ka naman sa pag-iisip at takot na baka husgahan ka ng buong mundo..." Napatahimik ako at kaagad ko rin naintindihan ang sinasabi nito. I remembered what she said when we were outside of the Dean's office the other day about her being ashamed of her current job. Which just doubled my curiosity right now kung ano nga ba iyong trabaho niyang 'yon para masabi iyon at makaramdam s'ya ng hiya. Bago pa ako makapag-salita, naunahan na n'ya ako. "Mia, hindi ko kayang hilain ka sa kung nasaan ako ngayon at hindi ko rin alam kung masisikmura o kaya mo ba ito," Nakayukong paliwanag n'ya sa mahinang boses. Napalunok ako. "Hindi naman 'yan illegal, 'di ba?" Because God knows how I hate doing illegal things. It just reminds me of my evil husband and his dark ways. I can't. I just can't do illegal things. There's no way I'll do it kahit pa kapalit na nito ang buhay ko ay never akong gagawa ng illegal na mga bagay. Umangat ang ulo nito at sinalubong ang aking mga mata. "Hindi s'ya, Mia. Pero depende ito sa pananaw ng tao at sa bansa kung nasaan tayo ngayon? Marami ang hindi makakaintindi." "Well, try me. Ipaliwanag mo then I'll decide kung papasukin ko ba ang trabahong 'yan o mas pipiliin ko na lang iyong ibang trabahong alam mo na pwede kong pasukin. Tell me also about the pros and cons of your job." paglalahad ko. Tumango-tango ito. "Okay," I brace myself sa kung ano man itong ipapaliwanag n'ya. "Pros, hindi mo na kailangan kumayod nang kumayod dahil ilang oras mo lang, katumbas na ang kikitain mo ng isang buwang sweldo ng isang supervisor sa call center. O mas higit pa, depende sa kliyente mo." "How much are you earning?" curious na tanong ko. Gosh, just thinking how much the supervisor in the call center is making in a month makes me think of a possibility that Carla might be... an escort? Oh, damn! Ayokong mag-judge, God knows it. But what if? Yeah? "Lowest income I made in a day is ten thousand," "And the highest?" I retorted. Umangat muli ang mga mata nito para salubungin ang tingin ko. "Fifty-five thousand pesos," Napatanga ako. Wow... that's... a lot of money. "P-pero magkano madalas?" Nagkibit balikat ito. "Hindi naman araw-araw ay may kliyente. Pero ang experience ko ay twice a week akong may kliyente. So, ang gross income ko for a month ay umaabot ng sixty thousand pesos. Pero 'gaya nga ng sinabi ko, depende pa 'yon sa kliyente." Napalunok ako ng tatlong beses. Geez, hindi ko 'yon kikitain sa pagiging freelance model or kahit pa ata mag-dalawang part time ako ng pagmomodelo. Now I finally understand na kung bakit ito na lang ang trabaho ni Carla ngayon. Hindi nga naman s'ya stress at pagod katulad ng nararanasan ko sa pagmomodel. Pero ang nag-iisang tanong lang naman na naglalaro sa isipan ko ay kung anong klaseng trabaho ba itong pinasok ni Carla. I'm not gonna lie, I'm partly scared kung ano ba itong trabaho n'ya. Kung bakit ganito na lang s'ya mahiya. "A-ano ba talaga ang trabaho mo?" inunahan ko na itong magsalita. Ngumiti ito pero hindi ako sure kung ngiwi ba ito o ano. "I'm... working for a..." 'Kita ko itong napalunok. Halatang nagdadalawang isip at prominent din ang takot sa maganda at morena nitong mukha. "For?" I anticipated. She side glance me. "For a girlfriend company." "A what?" I asked, not partly sure if I heard her right. Carla was going to open her mouth to explain further when two doctors accompanied by our Dean came in front of us. Carla and I immediately stand up, meeting them by the eyes in fear. "Doc? Dean? Ano na pong balita?" tanong ko sa kanila habang nag palipat-lipat ng tingin sa kanilang tatlo. Si Carla naman ay tahimik lang na medyo nanginginig ang kamay kaya kaagad ko nang ibinaba at hinawakan ang kamay nito. "Girls, this is Doctor Mendez, ang IM (internal medicine) doctor ng Tatay ninyo, habang ito naman si Doctor Torres, ang General Surgeon na magsasagawa ng operasyon sa Tatay ninyo," paliwanag ni Dean habang pinapakilala sa amin ang dalawang Doctor na hindi lang nagsusumigaw ng expensive sila kundi na rin nagsusumigaw din ang kanilang pagkatao ng kagalingan at pagiging eksperto sa kanilang mga larangan. Kinamayan namin sila ni Carla at nagpasalamat na rin then after that, they went straight to business. "Kagaya ng sinabi namin sa Dean ninyo, your father needs immediate treatment; surgery. Dahil kung maghihintay pa tayo ng ilang araw para maisagawa ang operasyon, maaring kumalat ang mga stones sa liver at spleen ng iyong Tatay. Kailangan na nating matanggal ang nasabing stones na iyon sa lalong madaling panahon. As of now, the tests that we've done to him just came back and he's cleared now for surgery. Ngayon, nandito kami para itanong sa inyo kung itutuloy ba natin ang operasyon sa Tatay ninyo?" Napakunot noo ako. "With all due respect, Doc. Hindi po ba wala naman sa amin ang desisyon, kundi na kay Nanay Flor? Asawa po s'ya ng Tatay Kiko namin," paliwanag ko. "Yes, pero ang sabi sa amin ng Nanay ninyo na hindi n'ya kayang mag-desisyon para sa asawa n'ya. Syempre, ipinaliwanag namin sa kaniya ang magiging possible complications during and after operation but she insist na kung may mas nakakaalam ng kung anong magandang desisyong gagawin, kayo 'yon." paliwanag naman ng surgeon ni Tatay Kiko. Nagkatinginan kami ni Carla at sabay din kaming bumalik ang tingin sa dalawang Doctor. "Ano ba ang mga possible risks and complications during and after surgery, Doc?" Carla asked. The two doctors explain to us the possible complications, though may kakaunting alam naman na ako sa mga 'yon kaya tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila. Pero syempre iba pa rin ang explanation ng doctor. Pagkatapos nilang mag-explain, sabay naming sinabi ni Carla na gawin na ang operasyon. As soon as possible. Tatay Kiko needs the treatment immediately regardless of the costs. Hindi na namin naisip ni Carla ang tungkol sa pera dahil sa tingin ko ay may solusyon naman na kami roon. Kaya naman right after makaalis ng mga Doctor at ni Dean, hinila ko sa may garden si Carla, kung saan walang tao ngayong dito na nagtatambay. This is a great place for us to continue our talk earlier na naputol. Umupo kami sa isang bench na gawa sa bato, kaharapan nito ang mga nakatanim na bulaklak ng gumamela at orchids sa hindi kalayuan kaya medyo nakaka-relax ang ambiance. Hinarap ko ang aking kapatid at nagsalita, "About sa pinag-uusapan natin kanina. Girlfriend company," I paused. "What's a girlfriend company?" I asked further. Humugot muna ito nang malalim na hininga bago sumagot. "Isa itong girlfriend for rent company, where lonely people or men, mostly, are renting women to date for a day." she paused to meet my eyes. I know, she knows that I'm confused, so she explains further. "Usually, those men are elderly. Pero hindi lang naman sila basta-basta na matandang lalaki lang. Mga businessman or matataas ang tungkulin nila sa bansa. Wala naman hidden agenda rito dahil may mga rules naman ang kumpanya na bawal ang mga extra service dahil hindi naman escort company ito," Napaismid ito ng tawa. "Maraming tao ang hindi nakakaintindi nito, alam mo ba 'yon? Kapag naririnig nila ito, agad nilang iisipin na bayarang babae kami, na isa rin namang escort company ito kahit hindi naman talaga," may hinanakit sa boses nitong napailing. Parang naman akong matutumba sa kinauupuan ko dahil silently, I thought she's an escort. Ang sabi ko pa naman sa sarili ko na hindi ko siya i-ju-judge but I think, I just did earlier. Napayuko ako. "Sorry," nahihiyang bulong ko. Napatawa si Carla at bahagya akong pinalo sa braso. "Ba't ka naman nag-so-sorry?" She was going to say another word when I met her eyes and saw the guilt in there. "Oh," natigilan ito. "naisip mo rin..." "I'm sorry, Carla. I have no idea. I'm so very sorry..." Umiling ito at nginitian pa ako. "No, don't be. Wala ka naman kasalanan. Saka ang sabi mo nga, wala kang idea. Kaya okay lang. I'm not proud either. Kung sanang hindi ako kinulang dito," Turo n'ya sa utak n'ya. "Hindi sana ganito lang ang trabaho ko." I immediately hush her. "No, no, don't say that. Hindi ka kulang diyan. Saka hindi mo naman kailangang mahiya dahil ang sabi mo nga, hindi naman iyan illegal at marangal siyang trabaho kung wala ka namang inaapakang tao," salaysay ko habang ito at hinihimas sa likod for a comfort. Nangingilid ang luha nitong ngumiti sa akin. "Salamat, sis. At naintindihan mo ako." I mirrored her smile. "Walang anuman." We fell into silence for a while pero pagkatapos ng ilang segundo. Ilang segundong pag-iisip ko, if I might add. Bumuntonghininga ako. "Okay, hindi man ito usual sa akin, but I think it's worth a try, yeah? For Tatay Kiko, at para na rin sa pag-aaral ko, susubukan ko iyan..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD