Hindi ko na namamalayan kung saan ako nakarating sa paglalakad. Hindi ko na rin namamalayan na halos mamuti na ang kamay ko sa pagkakahawak ko nang mahigpit sa box ng singsing na inilaan ko sana kay Mia. Kahit malamig ang panahon ay pinagpawisan pa rin ako at kung hindi lang ako pinigilan ng isang kamay sa braso ko ay hindi pa ako titigil sa paglalakad. "My Lord, that's enough." boses ni Pietro dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Nakasunod pala s'ya sa akin. Hindi ko man lang namalayan. Damn, this isn't me. Nawawalan na ako sa focus nang dahil sa nararamdaman kong ito. This is the main reason why I don't want to fall in love again. Nakakawala sa wisyo and this f*****g pain is just unbearable! Jeez. Kahit pala alam mo na ang totoo, masakit pa rin pala kapag nanggaling na mismo