Kung pwede lang i-shutdown ang utak at saka ito i-restart ulit para ma-refresh ang utak kong hanggang ngayon ay naglo-loading pa rin sa nangyari kani-kanina lang. Gosh. Hanggang ngayon tinatanong ko ang sarili ko na nangyari ba talagang tinanong niya akong pakasalan siya at hindi lang iyon isang magandang panaginip lang? Habang tinatahak namin ang daan patungo sa hospital dito sa Minnesota kung saan idadaos ang kaniyang unang treatment ay parang sirang plaka ang utak ko dahil paulit-ulit na lang ang mga tumatakbong tanong at mga salitang binitawan ni Domenico sa akin kanina habang nasa kwarto kami. Seeing his reaction right now, he's just normally calm and collected like his old self. Pero ako, hindi na alam kung paano na ba aakto sa harap n'ya after what happened. I mean, it's not