"Talaga, sis? Sinabi mo 'yon sa kaniya?" usisa pa ni Carla nang matapos kong ikwento sa kaniya ang lahat ng nangyari sa loob ng sasakyan kahapon. Umusog pa ito sa akin na halatang naintriga sa chikka ko sa kaniya. I absentmindedly nod my head. Lumulutang pa rin kasi ang utak ko sa naging kinahihinatnan ng pag-uusap namin kahapon ni Domenico sa kotse. "Eh, ano naman ang sinabi ng boss mong masungit?" tanong pa ni Carla. Doon na ako nasaktan at ewan ko rin ba kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko ngayon. Dahil siguro sa naging sagot n'ya kahapon? Bigla tuloy akong nakaramdam nang matinding lungkot nang maalala 'yon. At hindi naman 'yon nakaligtas sa kapatid ko. "Huy? Ba't parang lumungkot ka naman diyan?" then she quickly realized. "Hay nako, Mia. Don't tell me, ha? Nahulog ka