Hindi ko na tinapos ang pag-e-eavesdrop ko sa dalawang mag-best friend lalo na nang sinagot ni Mia ang sobrang nakakapagtakang tanong ni Carla na kung handa na ba ulit maiwanan ang dalaga? Well, sa tingin ko ay ang tinutukoy ni Carla roon ay ang parents ni Mia na nalaman ko noong nagkasagutan kami ng dalaga noong isang araw. Una pa lang na marinig ko 'yon kay Mia ay sobrang na-intrigued na ako, to the point na muntikan na akong makagawa ng bagay na alam kong pagsisisihan ko sa huli dahil firm talaga ako sa desisyon kong hinding-hindi ako magiging katulad ng makasarili kong kapatid. Ayokong kunin ang gusto kong malaman na impormasyon sa mga paraan n'ya. But with Mia... araw-araw akong sinusubukan. Katulad na lang ngayon. Buong araw kong pinag-iisipan kung ipapa-investigate ko ba siya