INTRO III Run Baby Run (Part 2)

2937 Words
Avaleine Sorrentino. To be your husband.. Your husband.. Your husband.. Your husband.. Parang sirang plaka iyon nagpaulit-ulit sa utak ko, to the point that it makes me sick in the stomach. Kaya naman napatakbo ako sa pinakamalapit na sink at doon nagsuka. "Darling!" Rinig kong sigaw ni Mommy saka ako nilapitan at hinimas ang likod ko. "There, there, just relax and let it out..." she's hussing me while caressing my back. Then when I feel like I don't have any more to throw up, hinang-hina akong napatingin kay Mommy. She got teary-eyed the moment our eyes locked together. "Oh, I'm so sorry, darling. I know this is a sudden move and I also know that we said that we will let you choose the person who you're gonna marry someday but," she paused then shook her head. "But what then? What change?" I can see na nahihirapan itong sabihin sa akin ang kung ano man ang itinatago n'ya. Gosh, I'm so done with them protecting me like I'm a delicate piece of glass. "Mom, you have to tell me. And please stop protecting me. I want to know why!" Naiiyak kong sigaw. Naiiyak na rin siyang napayuko na lang. "Darling, your Dad and I, we're dying..." And there is it, they drop a bomb again. Gosh! I thought hearing that they arranged marriage me with a total stranger is a big bomb already. But it seems like there's a much bigger bomb. At heto na nga iyon. "What do you mean you guys are dying? I-i don't understand..." "Come here, let's sit down and I'll explain everything to you." Paliwanag nito at hinila ako sa mahaba naming couch sa may living room. Masinsinan n'ya akong tinitigan sa mata habang mahigpit akong hinawakan sa kamay. Nanginginig na ang buong katawan ko ngayon sa takot pero sinusubukan ko pa rin na magpakatatag para kay Mommy. Ayokong makita n'ya akong mahina. When my Mom finally opens her mouth to explain everything, I can't just believe every word that is coming out of her mouth right now. Parang akong nasa isang washing machine ngayon. My head is spinning together with my world because my mom just said that she and my Dad are dying because of cancer and it's inoperable. Our family doctor said that they only have a few months to lived. "That's why we decided to arranged marriage you to a successful businessman because we don't want you to be alone when we're gone. We also know that Mr. Russo is very capable of giving you the life that you always deserve." Paliwanag nito habang hinimas-himas n'ya ang aking mukha. "Mom, please don't. I'm only 19. And I'm sure you and Daddy will get better if you get the treatment from the hospital." Umiiyak kong pakiusap sa kaniya. Umiiyak na rin siyang umiling-iling habang pinupunasan ang mga luhang nahuhulog sa pisngi ko. "Darling, it's inoperable and we don't want to waste money for that. Besides, our savings aren't enough for treatment anymore." "What do you mean?" Nahihintakutang tanong ko. Does this mean that we're broke then? The look in my mother's brownish eyes though... confirms it. Napapikit na lang ako nang madiin. "I'm sorry, darling but Mr. Russo has our company now. He bought it so that it doesn't fall completely." Gosh, does this day gets any more better? Please? God! "Mom..." Tanging nasambit ko na lang at napasapo sa aking mukha at doon binuhos lahat ng hinagpis at paghihirap na nararamdaman ko ngayon. Clearly, I don't have a choice but to do this, to marry the person they chose for me. Kahit saan kong way tingnan kasi ay wala na talaga akong lusot. If I'm going to choose not to marry the person who just saved our company, we'll still suffer because obviously, hawak na n'ya kami sa leeg ngayon. Kung pipiliin ko naman na tumakbo ulit, I'm sure this will not end up good to me and to my family as well, and I'm tired of running away from problems. So more or else, I don't have a choice but to do this. "You're done with your little family drama now?" Tanong ng tusong lalaking ito na bigla na lang sumulpot dito sa living room habang prenteng nakasandal ito sa amba ng pinto ng living room. Pareho kaming napatingin ni Mama sa kaniya at mabilis na nagpunas ng mukha namin. "Sorry for the delay Mr. Russo." Hinging paumanhin ni Mommy. Tumayo ito at itinuwid ang dress n'ya at yumuko na parang nahihiya sa lalaki. Napakunot noo naman ako dahil sino ba itong preskong lalaki ito at ganito na lang ang paggalang ng mga magulang ko sa kaniya na parang isa siyang makapangyarihang hari or what? When his cold eyes landed on me, I think I saw him smirk like an animal waiting for his prey to lay on his trap. Oh gosh, I think I'm in big trouble... ****** 4 months later.. "I just need your signature here, Signora for the marriage contract as per Mr. Russo's order," saad ng lawyer ng aking mapapangasawa. Inabutan n'ya ako ng ball pen that I ignored. Nakatulala lang kasi ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin na-pa-process ang lahat ng nangyari... And yes, we're not doing any weddings because there's no wedding itself. Only contract that we need to sign. Wala ako sa wisyo para makipag-debate pa ukol dito. Kakamatay pa lang ng parents ko nang dahil sa cancer 3 weeks ago. The life that I have imagined for me and my family is now far too gone. Everything and everyone is gone now. Our house is gone, our helpers, drivers, and maids are gone, but at least not Mama Ofelia. Well, at least not yet because she decided to stick around with me instead of going home to her family back in the Philippines. Aayaw pa sana ako dahil napakatagal na niyang hindi nakikita at nakakasama ang mga ito pero hindi ko makakaila na takot akong mag-isa. I need someone besides me. S'ya na lang ang meron akong pamilya. I don't want to lose her too. I don't consider my soon-to-be husband as my family though. To hell, I care about him. He didn't even show any respect to my family when my parents died. He just sent one of his employees to hand me a check, para sa gastos sa lahat ng expenses sa hospital and all. Well, he did show up though, when we finally go home to our home but just to fire all of our helpers, drivers, and maids and give them their last salary. Gano'n s'ya ka-ruthless and I hate him for that. Now, I'm going to be tied down to him, and honestly, I want to run as fast as I could but I also know that there's no running away. Not this time because I'm trapped here now. Huminga ako nang malalim at tiningnan ang hanggang ngayon na ball pen na nakalahad sa akin then nagbaling ang tingin ko sa lawyer ng Russo na 'yon. The lawyer looks decent, handsome and clean. I'm sure a lot of women will swoon over him. "Is this even legal?" I asked him sternly. Kalmadong tumango ang lawyer na naka-suit and tie. "Si Signora. I'm the lawyer of Mr. Russo and the judge of the state of Milan already signed this marriage contract. Even if there's no wedding happened, your marriage with my client is still legal because I just have to pass these papers in the City Hall after you sign the contract then everything is settled after that." Huminga ako nang malalim at saka mabigat ang loob kong kinuha ang ball pen sa kaniya at pinirmahan ang marriage contract sa kung saan may sign na, "Sign Me" with smiley emoji pa. Gosh, seriously? Napailing na lang ako at marahas na tumayo at aalis na sana para makasagap ng sariwang hangin dahil nararamdaman ko na naman ang axienty ko nang pigilan ako ng lawyer ng aking asawa... Gosh, I'm freaking married. And the ring that he handed over to me just confirms it. I am married, at the age of 19. Oh, God! I think I'm going to throw up! ****** After my graduation, my no-good husband showed up like a mushroom again. Nasa may kotse s'ya nito at prenteng nakasandal sa kotse n'ya habang parang inip na inip na ito sa paghihintay sa amin, well in fact halos kakarating lang n'ya nang makalabas kami ng gate ng dating bahay namin ng parents ko. Gosh, I know my parents taught me well enough but this guy just gives me the creep. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya sa tuwing nakikita ko pa lang ang mukha n'ya. Nang makarating kami ni Mama Ofelia sa harapan n'ya dala-dala ang mga bagahe namin dahil lilipat na kami sa bahay ng preskong lalaking 'to, nagsalubong ba naman ang mga makakapal niyang kilay habang nakatingin ito ng masinsinan kay Mama Ofelia saka n'ya ito dinuro. "Why is she here? I told you, I only want you in my house. I thought I've got myself clear? I fired them all aren't I?" Galit na galit nitong tanong sa akin. It's a good thing na walang tao sa paligid at pasalamat ko na lang din at Italian ang lenguahe n'ya, kundi ay baka sumakit pa ang loob ni Mama Ofelia sa mga masasakit na salitang binitawan nito. I glared at him. "Yeah, you fired them all without consulting me. It's a good thing that I saved my Mama before you could fire her!" Ganting sigaw ko pero wrong move ata 'yon dahil isang malakas na sampal ang iginawad nito sa pisngi ko. Mama Ofelia gasped in shock and she was going to attack this monster of a man in front of us when I stopped her while holding my now flaming cheek because of the first ever excruciating slap that I received in my entire life. "Huwag mo na pong patulan, Mama. Okay lang po ako." I looked at her to reassure her. Ayokong magmukhang kawawa sa harapan n'ya. We only have each other now, so I have to be stronger for the both of us. "But..." she was going to say something but I shook my head fervently. "It's okay, sige na po at pumasok ka na sa loob, ako na ang bahala sa kaniya." I whispered then glance back at this smirking brute. "That's my girl," bulong nito sa akin nang kami na lang dalawa ang nasa labas ng kotse. I irritatingly rolled my eyes at him. "I'm not your girl or wife or anything." His smirk only widened more. "Yes you are and you're also my property now. I owned you. No buts and definitely no turning back. You're mine now, Ava." Lumapit pa ito sa akin, invading my personal space causing me to step back. Napalunok ako sa takot pero hindi ko ito pinahalata sa kaniya. I don't want to give him the satisfaction of seeing me being afraid of him. NO! "And later in the evening? I am going to take what's rightfully mine," lumapit pa ito sa akin at may binulong sa tenga ko, "your virginity..." Nangilabot ako ng husto at tumindig lahat ng balahibo ko nang dumampi ang mainit nitong hininga sa tenga ko. Gosh, kung noon ay naiisip ko na wala na akong tatakbuhan pa, ngayon naman ay napapaisip ulit ako na gawin ito because I never felt this scared in my entire life, ngayon lang... And I hate myself for being right again because when night came, he did really meant what he said when Rio Russo said he'll take what's rightfully his but I fought him when he tried to forced himself on me because I don't want to give him what he wanted. I don't love him, so why would I give myself to him? For me, making love is sacred, and giving yourself to just any man is not my thing, so I fought him, and the slap he gave me this morning isn't just enough for him, because he beat me up so badly that it almost killed me... Pagkagising ko after a few months of being in a coma, ang sumalubong sa akin ay ang matinding pag-alala ni Mama Ofelia na parang wala pa itong tulog dahil mugto ang kaniyang mga mata at nanlalalim na rin ang mga ito. I wonder tuloy kung gaano na ako katagal dito sa hospital para maging ganito ang itchura n'ya? Noon kasi ay ang sigla-sigla n'ya, masiyahin at puno ng buhay, pero ngayon... Damn, what have I done to her? "Ma..." Nanghihinang pagtawag ko sa kaniya. "Anak! Oh! Salamat naman sa Diyos at gising ka na!" Masayang niyakap ako nito habang umaagos na ang kaniyang mga luha. I feel the need to drink water because I was thirsty and she must've seen that, kaya naman mabilis n'ya akong inabutan ng tubig sa nanginginig pa niyang mga kamay. "Sige lang, inom ka lang, anak." Habang umiinom ako sa straw na inilapat n'ya sa nanunuyo ko ng mga labi, I reach out to her and wipe away those tears from her beautiful face. "T-tahan na, 'Ma..." Sambit ko sa garalgal na boses. Sa paglunok ko, sakit kaagad ang dumaloy sa buong katawan ko, then one by one, all the memories came back like they just happened yesterday. Napapikit ako nang mariin then flashes of what happened that night came back to my mind like waves of water in the ocean. I remember my ruthless husband choking me, kaya siguro ganito na lang kasakit ang lalamunan ko ngayon. "M-ma? G-gaano n-na p-po--" Mama Ofelia immediately hushed me while tears are still falling from her eyes. "Huwag ka munang magsalita please, anak... Ayokong nakikita kitang ganito. At higit sa lahat, ayoko nang bumalik ka pa sa asawa mo." Mabilis na pinunasan n'ya ang kaniyang mga luha at saka nagmamadali itong may kinuha sa ilalim ng kama ko. Inilapag n'ya ang mga papeles sa kama at isang makapal na sobre na sa tingin ko ay laman ay pera. "Makinig ka nang mabuti anak, ha? Hinihintay lang talaga kitang magising sa pagka-coma mo at ipinangako ko sa sarili ko na paggising na paggising mo ay sasabihin ko na ito sa 'yo kaagad." Hinawakan n'ya ako nang mahigpit sa braso at pinakatitigan ng masinsinan sa mata. "Anak, kailangan mong magpakalayo-layo sa asawa mo sa lalong madaling panahon. Hindi mo alam kung sino ba talaga ang ipinagkasundo ng mga magulang mo sa 'yo dahil noong tulog ka pa dahil sa coma, marami akong nalaman tungkol sa asawa mo at hindi iyon magagandang kaalaman, kaya naman tutulungan kitang makalayo sa kaniya. Mabuti na lang at wala s'ya ngayon dito sa bansa at may inasikaso ito sa kaniyang kakilakilabot na business sa karatig bansa pero kailangan nating magmadali dahil marami siyang mata rito, kaya naman inihanda ko na ang lahat..." Naguguluhan pa rin ako sa lahat ng sinasabi n'ya but the horror on her eyes made me anxious and afraid at the same time. Ngayon ko lang nakitang ganito katakot si Mama Ofelia. Kaya kung ano man ang mga nalaman nito tungkol sa lalaking ipinagkasundo sa akin ay makakasigurado akong kahindikhindik ang mga ito... Well, hindi na ako magtataka pa, dahil kung ako nga na asawa n'ya ay nagawa niyang saktan dahil tinanggihan lang ito sa kagustuhan n'ya, paano na lang kaya ang mga nalaman pa ni Mama sa kaniya? "K-kailan t-tayo a-alis, 'Ma?" Mariing umiling ito. "Pasensya ka na, anak pero hindi kita masasamahan dahil masisigurado kong makakatunog ang demonyong lalaking iyon na ako ang tumulong sa 'yo na makatakas at sigurado rin ako na mahahanap n'ya tayo kaagad kaya naman kailangan mong umalis nang mag-isa. Aalis ka ngayon din. 'Gaya ng sinabi ko, na-plano ko na ang lahat, heto oh." Abot n'ya sa akin sa isang papel at isang burner phone. "Nakalista diyan ang phone number ng taxi driver na hinire ko, tawagan mo lang s'ya at alam na n'ya ang gagawin n'ya. Heto namang sobreng ito," turo n'ya sa makapal na kulay brown na sobre na sigurado ako ay naglalaman ng maraming pera. "Dito nakapaloob ang savings na inilaan sa 'yo ng mga magulang mo, mabuti na lang bago sila mawala ay hinabilin nila ito sa akin na para bang alam nila na mangyayari ito." Napayuko si Mama at nagpakawala nang malalim na buntong hininga. Nagsisimula nang manubig ang mga mata ko. Gosh, my head is spinning from all of this... Mabilis na nagpunas ng mukha si Mama Ofelia at saka inayos ang mga kagamitan na inilapag n'ya sa kama ko. "Gamitin mo itong pera, ha? At magbagong buhay ka sa Pilipinas." "P-pero t-teka, p-paano p-po k-kayo?" Umiling-iling ito at pinisil ang kamay ko. "Huwag mo na akong alalahanin. Magpapakalayolayo rin ako, pero pangako, magkikita at magkikita ulit tayo, anak. Pangako 'yan, ha?" Tumango-tango ako habang umiiyak. Soon enough, itinakas nga n'ya ako sa hospital katulong ang mga helper namin sa bahay noon at paglabas namin ng hospital, kahit hinang-hina pa ako at wala sa wisyo, inalala ko lahat ng habilin ni Mama Ofelia sa akin. Tinawagan ko ang taxi driver na hinire n'ya at nang makasakay na ako ng tuluyan dito, doon ko na pinakawalan ang bugso ng iyak ko na kanina ko pa pinipigilang kumawala dahil ayoko ngang magpakita ng kahit anong kahinaan kay Mama Ofelia. Ayokong panghinahan din s'ya ng loob. Kailangan kong magpakatatag dahil determinado rin akong makita siyang muli. Ang mga sumunod na pangyayari ay parang hipo-hipo na dumaan because the next thing I know, hindi na ako isang Avaleine Sorrentino bagkus ako na ngayon si Mia Luna... To be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD