Tulala akong nakamasid sa maliit na bintana ng eroplano habang unti-unti itong bumababa sa run away. Part of me, masaya, dahil sa wakas... malayong-malayo na ako sa Italy, especially sa demonyo kong asawa na muntik na akong patayin nang dahil lang sa hindi nasunod ang gusto niyang mangyari. And the other part of me, sobrang lungkot, because it feels like I leave the biggest part of my heart when I leave my hometown.
Including my mom, my dad, my friends, and... my Mama Ofelia.
Isang buntonghininga ang pinakawalan ko nang matagumpay na naka-land ang eroplanong sinasakyan ko rito sa NAIA Terminal 2.
Nagsimula na ang mga kapwa ko pasahero na magsitayuan at kunin ang kanilang mga personal belongings sa taas man o baba ng aircraft, pero ako, heto at nakamasid pa rin ang tingin sa labas ng maliit na espasyo ng bintana. Mainit ngayon sa labas dahil tanghaling tapat na nang makarating kami rito sa Pilipinas.
Now I finally experienced the heat that my Mama Ofelia always said to me before. Medyo masakit nga s'ya sa balat, 'di tulad ng init sa Italy but I liked it though. I like the heat. I think, magiging maganda ang stay ko rito sa Pilipinas, just like what Mama Ofelia said. Kaya naman, with an heavy heart but with a little excitement, kinuha ko na ang aking signature backpack na nasa paanan ko kanina at ito'y isinukbit sa aking balikat. Mental reminder to myself that I need to do once I settled where I should stay for a while, and that is to sell all of my signatures belongings and replace them with ordinary stuff.
Ang habilin din kasi ni Mama Ofelia sa akin ay kailangan kong mag-lie low sa nakagisnan kong lifestyle sa Italy which is not a problem with me kahit magmula pagkabata ay spoiled ako ng parents ko.
Para rin naman ito sa kaligtasan ko at kaya ko rin naman gawin at tiisin ang lahat, 'wag lang akong maibalik sa asawa ko na first cousin ata ni Satanas.
I mentally sign of the cross nang dahil sa pag-iisip at pagsasabi ng masama sa taong 'yon. Ano ba 'yan! Nagiging masama na rin ako sa tuwing naiisip ko ang taong 'yon. Patawarin sana ako ng Diyos.
After I exited the aircraft and thanked the flight attendant na bumati sa akin sa tabi ng pinto dahil panghuli na pala akong lumabas, mas lalo pang tumindi ang takot at excitement na nararamdaman ko nang ma-realize na ito na nga ang pagsisimula kong muli dito sa bansang ngayon pa lang inapakan ng mga paa ko.
Once I walked inside the airport, medyo nakahinga naman ako nang maluwag kahit pagdating ko sa loob ay mainit at maalinsangan pa rin. At habang naglalakad ako papunta sa reception area para sana itanong kung saan ba banda ang paradahan ng mga taxi, nang mapansin kong halos ng mga taong nadadaanan ko ay nakatingin sa akin.
Nagsimula na akong mag-panic dahil baka may nakakakilala sa akin kaya binilisan ko na lang ang lakad ko. Pagdating ko sa reception, kaagad kong isinabi ang sadya ko at nang magsalita ako ng Tagalog ay laglag ang panga ng lalaking napag tanungan ko habang nakatitig ito sa mukha ko na parang bang nakakita ito ng multo or something pero ilang sandali lang din naman iyon dahil natauhan din ito nang tanungin ko s'ya if he's okay. Nag-sorry din s'ya at ngumiti nang maliit bago i-gi-nuide ang daan sa akin patungo sa kung saan may paradahan o sakayan ng mga taxi.
"Thank you so much," buong puso kong saad kay Manong Driver nang pagbuksan pa ako nito ng pinto sa backseat.
Nakakatuwa naman at sobrang welcoming nga talaga ng mga Filipino, tama talaga si Mama Ofelia. Nakakahiya tuloy dahil si Manong lahat ang nagbuhat ng mga bagahe kong ang bibigat sa trunk ng taxi n'ya.
Pagpasok ni Manong Driver, sinulyapan ako nito sa rear view mirror na may matamis pang ngiti sa labi.
"Where to, Miss beautiful?" he asked in a very cute Filipino accent. Oh gosh, parang si Mama Ofelia nang bago-bago pa lang ito sa amin noon.
I sweetly smiled at him. "Just drop me off at one of the hotels nearby please."
Ang matamis na ngiti nito ay naging alanganin saka ito napakamot sa kaniyang batok.
"Ah, eh, hotel, yes?"
Hindi ko na mapigilan ang sarili kong matawa nang kaunti.
"Sorry for my accent. Ang ibig ko pong sabihin ay ibaba n'yo na lang po ako sa isa sa mga hotel diyan sa malapit, Manong."
Magmula sa pagiging alanganin nitong ngiti, bumilog ang kaniyang mga mata at bahagyang napamura pa pero nag-sorry din naman agad. Marahil ay nabigla talaga ito at ang isang foreigner na katulad ko ay marunong at nakakaintindi ng Tagalog na fluent pa.
"Pasensya na po talaga, ha, Ma'am? Nabigla lang po kasi talaga ako."
After that, pinaandar na n'ya ang sasakyan at habang naglalakbay kami, masayang nakipag kwentuhan sa akin si Manong Driver na ang pangalan pala ay Mang Tony.
Sa ilang minutong byahe ay halos alam ko na ata ang mga importanteng detalye ng kaniyang buhay like may asawa na ba ito, ilan ang anak, saan nakatira, saan nag-aaral ang mga anak nitong puro dalaga pala kaya ang gaan ng loob n'ya sa akin.
Ako naman, I didn't give much of my personal life details dahil sa nag-iingat nga ako. Though I feel bad for lying about my name, etc. just so I can protect my true identity.
Nagtagal lang ng 10 minuto ang byahe at sa wakas ay nasa harapan na kami ng isang medyo kalakihang hotel na napapansin kong halos foreigner ang mga lumalabas at pumapasok dito, meron din namang mga Filipino, especially Pinay na may kasamang foreigner guy na sa tingin ko ay boyfriend o asawa nila. Well, who am I to judge?
I gave Manong Driver my wage and also a tip — as a token of my appreciation na rin for being so welcoming and helping me with my suitcases. Nang makita ang tip ko sa kaniya, walang pagsidlan ang kaniyang kasiyahan. Napansin ko rin ang pangingilid ng luha nito.
After niyang tulungan ang bell boy na lumapit sa amin, pumasok na rin s'ya sa kaniyang taxi at nag-wave goodbye sa akin. I mirror naman his gesture then nag-check in na sa hotel na 5-star pala. Gosh, mabuti na lang at ilang araw lang akong mag-i-stay dito dahil kinakailangan kong i-budget ang pera ko para maka-survive rito sa Pilipinas.
When I finally get into my room, pabagsak akong nahiga sa malaki at malambot na kama, though I flinch a little when my bruised body aches like crazy.
Ouch! That was a wrong move, Ava. Medyo nakalimot ako na ilang araw pa lang akong nakakalabas sa ICU at sobrang sakit pa ng mga pasa ko, kundi lang sa tulong ng pain killers ay baka hindi ako nakarating ngayon dito nang matiwasay.
Kahit kumikirot ang aking mga sugat at pasa, pinilit kong abutin ang aking Gucci bag at kinalkal doon ang aking mga gamot at uminom ng prescribed medication ko. Once settled, naramdaman ko kaagad ang sipa ng antok sa sistema ko.
Hindi ko na nilabanan ang antok ko dahil kailangan ko rin magpahinga, mamaya ko na lang asikasuhin ang burner phone na bigay ni Mama Ofelia sa akin para kontakin ang pamilya na willing mag-foster o mag-adopt sa akin as their own.
Ilang sandali lang ay nakatulog din ako with the thought of my evil husband saying to me in my dreams na kahit saan man akong lupalop ng mundo magtago ay mahahanap at mahahanap n'ya pa rin ako. At ang malala pa, he said, "And I'll make sure that I'll kill you when I find you and all the people you love most..."
***
Paggising ko, habol-habol ko ang aking hininga at kahit naka-full blast naman ang aircon, tumatagaktak pa rin ang pawis ko sa katawan.
Kaagad kong kinuha ang mga gamot ko at ininom ang pang anti-anxiety attack ko, hindi ko na namamalayan na umiiyak na pala ako habang unti-unting nagiging normal ang paghinga ko.
Hindi maari. No. No. Hinding-hindi ako papayag na mahanap at mahuli ng Rio Russo na 'yon. No! I won't give him the opportunity and satisfaction of seeing me in pain again. At mas lalong hinding-hindi ako papayag na saktan din n'ya ang mga taong importante sa akin.
With a flaming determination in my system, I grab my bag and fetch the burner phone and search for the phone number of the person that will help me start my new life here.
I pressed the dial pad on the keypads then the next thing I heard was the ringing tone of the other line which made me sigh in relief at least.
Hindi ko kasi mapigilang kabahan dahil nandoon na 'yong negative thoughts ko na what if, hindi nila ako matulungan? What if they refuse? At higit sa lahat, what if madamay sila sa gusot ng buhay ko lalo na kapag nahuli ako ng malupit kong asawa?
Oh, no! Pinapangako ko sa aking sarili na wala nang madadamay pa sa gusot ko. I'll build a huge walls para wala nang makapasok pang muli sa puso ko. I'll set boundaries to protect people. I also need to work on my business instinct from now on.
Magmula ngayon, mas uunahin ko na ang utak kaysa sa puso. Kung kinakailangan kong maging snob or masungit, I'll do it kahit hindi iyon ang itinuro sa akin ng mga magulang ko, I'm willing to do it para lang maprotektahan ko ang mga tao sa paligid ko.
Nang sa wakas sagutin na ng nasa kabilang linya ang tawag ko, I used my most coldest voice to answer the man on the other line, na ultimo sarili ko ay nalamigan sa sarili kong boses.
Damn, tama nga ang turo sa akin ng mga magulang ko na in order to sacrifice something great, of course, it will come with huge consequences. Always have and it always will.
With a close eye, I tried to remember what my Mama Ofelia had said to me before we parted ways.
"Sa burner phone na ito, may isang contact number na naka-under sa pangalang Transporter 3, tawagan mo s'ya at sabihin mo lang ang pangalan ko at alam na n'ya agad ang gagawin n'ya."
With that memory, isinaad ko ang kung ano ang dapat kong sabihin at nang marinig nito ang pangalan ni Mama Ofelia, he asked me back immediately. "Where?" he voice is cold as well.
Sinabi ko lang ang pangalan ng hotel na pinag-i-stay-an ko at nang sabihin nito na maghanda na ako, pinatay na n'ya kaagad ang tawag. And out of curiosity, I dialed his number again pero unattended na ang phone nito.
Somehow, I felt relieved. All thanks to Mama Ofelia because she really makes sure na walang kahit anong bakas ang maiiwan ko na pwedeng magamit ng asawa ko para matunton ako.
Nagmadali akong nag-empake at nag-check out sa hotel. Halos mabilaukan din ako nang malaman ang cost ng isang gabing stay ko rito, umabot lang naman kasi ito ng halos 400 USD.
Oh gosh, I'm already living on the edge of the bridge. Kailangan na kailangan ko nang matutunan i-budget ang savings ng parents ko na inilaan nila para sa akin. Every penny must count.
I need to remind myself that I'm not the spoiled brat Ava Sorrentino that has the golden spoon anymore.
Pagbaba ko sa lobby, nag-vibrate ang burner phone ko at syempre, bago ko ito tingnan ay nagtingin-tingin din ako sa paligid ko bago binasa ang message na galing sa transporter na kausap ko kanina.
"Walk outside and hop in the car with a plate number of FJH 1625."
Sinunod ko ang instruction nito at pagpasok ko sa kotse, isang lalaki na naka cap na nasa medium build ang pangangatawan ang naglahad ng kamay sa akin. Dahil sa suot nitong cap, hindi ko nasilayan ang mukha nito, idagdag pa na dim light lang ang ilaw dito sa loob ng kotse.
"Give me your burner phone." he demanded in his stoic voice.
"What are you going to do with it?" alanganing tanong ko.
I'm scared and worried at the same time. Wala naman kasing sinabi si Mama Ofelia about giving this burner phone to anyone else. And of course, I have trust issues.
"I was instructed by my client to burn it to the ash after I drop you off to your foster parents." cool lang na sagot nito. Halatang matagal na n'ya itong ginagawa.
Mariing pinilig ko ang aking ulo. I have to trust no one kahit pa ni-hire s'ya ni Mama Ofelia para sa akin.
"No, I'll do it myself." I stubbornly refused.
"Then you should know that I can't start this car if you don't hand over that phone. I have rules, Miss. And one of those rules is we're not going anywhere without me completing all the necessary arrangements for my client." paliwanag nito sa kalmadong boses.
Ramdam ko naman na seryoso nga s'ya sa sinasabi n'ya. Tulad nga ng sinabi ko kanina, mukhang matagal na niyang ginagawa ito.
"And if we didn't leave in one more minute, the security of the hotel would be here soon to inspect what was going on. It's your choice, Miss." dagdag pa n'ya.
Kaagad ko namang tiningnan ang mga nagkalat na security guards na may kanya-kanyang hawak ng baril ang nagmamatyag sa paligid. Some of them are staring at the car na lulan ako.
Napalunok ako nang mariin.
"It's just that, I don't trust you." pag-amin ko.
"I understand. I don't trust you either. Given the fact that you don't know how to dispose of the phone properly without leaving any marks or possible clues. Just have in mind that one simple mistake can cost you a lot of damage. Burning the phone doesn't mean you can't give your enemy some clues of your whereabouts. It needs special care, Miss." he explained.
Nagsimula na rin kumabog ang aking dibdib nang malakas nang dalawa sa security guard na may hawak ng walkie talkie ang nagsisimula nang maglakad patungo sa gawi ng kotse namin.
Oh gosh! What to do? What to do? Mama Ofelia said that I shouldn't trust anyone. How about now? Should I trust this man?
I have no choice, right? But f**k it! Mabilis na inabot ko sa kaniya ang phone and in a heartbeat, the transporter immediately reverse the car then next thing I know, nasa busy highway na kami at naging normal na rin ang pagmamaneho nito.
Parang akong nanlata sa sobrang kaba roon. Gosh! This is too much for my fresh start. And what I didn't know is that the hit will just keep on coming to my face once I come face to face with the family that will foster me.